Camille, naka-relax sa movie nina Alden at Kathryn

Sanay na sanay na si senatoriable Camille Villar sa trolls.
Tulad ni Manny Pacquiao, wala na raw siyang nararamdaman. “Ah, hindi na. Sanay na tayo dyan. 2010 pa lang, palaging may bashers. Ang importante is alam mo naman na tama ‘yung layunin mo and intention mo, and siguro lalabas at lalabas naman ang totoo,” sagot niya sa amin kahapon sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas mediacon na ginanap sa Citadines Hotel bago ginanap ang kanilang rally sa Cuneta Astrodome.
Pero nagbabasa ba siya ng mga comment? “Minsan nagbabasa, pero minsan hindi ko na rin pinapansin.”
Pero ang maganda kay Ms. Camille, kahit na hectic ang schedule nila sa kampanya, may time siyang manood ng sine para mag-relax. “Well, recently nanood ako ng Hello, Love, Again para kumalma ng konti. Para ma-relax tayo ng konti.”
Kinilig ba siya? “Maganda, maganda. So talagang maganda. Minsan nakaka-miss. Buti meron tayong time to relax,” komento niya sa pelikula nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na number 1 movie ngayon sa Netflix.
- Latest