Derek, enjoy sa pagpatol sa mga fake news

Tinawanan lang ng aktor na si Derek Ramsay ang fake news tungkol sa hiwalayan nila ng misis na si Ellen Adarna.
Ni-repost ni Derek ang fake news sa isang page kung saan sinabing pumirma na raw ng annulment paper ang misis niya. Nilagyan lamang niya iyon ng caption na laughing emoji.
Ninega naman ng mga netizen ang pagre-react niya dahil napapansin daw nilang nagiging patola lately ang mister ni Ellen.
Tanong ng mga ito ay bakit daw parang masyadong nagiging defensive ito at animo’y may pinapatunayan?
Dahil nga raw sa ginawa nito ay mas lalo lamang magva-viral ang video dahil sa pag-repost pa nito.
Tingin tuloy ng mga ito ay parang mas nag-e-enjoy ang mag-asawa na pag-usapan sila sa social media.
Mukhang niresbakan nga raw ang dalawa ng mga keyboard warrior dahil nga sa pakikisawsaw nila kamakailan sa kontrobersiya nina Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo.
Maaalalang galit na galit na dinepensahan ni Derek ang matalik niyang kaibigang si Pernilla Sjoo na nasangkot sa intriga nina Andi at Philmar matapos nitong makipag-matching tattoo sa huli.
Heto nga ngayon at panay naman din ang pagsagot niya sa mga nagkokomento sa social media account niya.
Pati kasi ang baby nila ni Ellen ay dinadamay ng mga ito at kung anu-anong kinokomento tungkol doon.
Kaya ang dami raw talaga nitong time na pumatol sa mga basher.
Kaya kung ang goal daw nito ay mapag-usapan at maging relevant ay nagtagumpay nga raw ito.
‘Kaloka.
- Latest