Sex video ng male celebrities, bargain ang presyuhan sa social media
Isang kaibigan namin ang nag-forward ng ipino-post ng kung sino itong nagtitinda ng mga sex video ng kilalang male celebrities.
Dati ay medyo may kamurahan pa, pero nang napapag-usapan na ito online, sobrang mahal na ngayon.
Ang style ng mga taong ito ay magkakalat ng parang pasilip lang sa sex video ng mga artistang ito.
Kapag magtanong ka ngayon kung saan ito makikita, aalukin ka nila kung gusto mong bilhin.
Buy one take one ang offer nila na ipo-forward sa telegram. Kahit mahaba kasi ay pwedeng i-send dun at hindi raw made-detect sabi nila.
Nagsisimula ang presyuhan sa P8K hanggang P30K.
Ang sex video na P8K ay kuha ng isang Vivamax hunk actor. Merong sex video ng isang guwapong model/actor ay nagkakahalaga ng P15K, merong tig-P20 hanggang P25K pesos.
Merong ibang male celebrity na hindi ko kilala, mga influencer pala ito na ang presyo ng sex video nila ay nagkakahalaga ng P12K hanggang P25K.
Nagtataka ako bakit worth P15K lang ang sex video ng kontrobersyal na aktor na magaling sumayaw.
Ang sabi nila, maiksi lang daw kasi at hindi nababad ang kahubaran nito.
Nagulat ako sa presyong P30K na sex video ng isang male singer na nagpe-perform din sa theater. Siya ang pinakamahal, dahil siguro may pagka-wholesome ang image nito.
Wala talaga akong ideya kung ano ang mga sex video ng male celebrities na ito. Pero sabi ng ilang napagtanungan ko, totoong kanila raw ang video na ‘yun na ang ilan ay kumalat at napapag-usapan na noon.
Pero ewan ko ba! Bibili ka ba ng ganun kamahal na sex video?
Direk Lino, emosyonal sa pagkakasama ng pangalan sa balota
Hindi ko napigilang maluha sa mga pahayag ni direk Lino Cayetano nang humarap ito sa ilang miyembro ng entertainment media noong Lunes ng hapon sa Valencia Events Place.
Si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment ang nag-organize ang meet the press para kay Direk Lino na kumakandidatong Congressman ng 1st district ng Taguig-Pateros.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi sinuportahan si direk Lino ng kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano kasama si Mayor Lani Cayetano.
Mala-telenovela nga ang kuwento ng pulitika sa pamilya nila, pero nagpapasalamat pa rin si direk Lino dahil nandiyan ang kanyang asawa’t anak, kasama na ang mga malalapit na kaibigang all-out ang pagtulong sa kanya.
Nahaharap pa si direk Lino sa disqualification case ng taong hindi niya alam kung sino ang may kagagawan. Pero natitiyak niyang hindi ito kagagawan ng kapatid niya.
Ikinakalat ang disqualification issue niya para lang lituhin ang mga botante ng Taguig at Pateros kung tuloy ba ang kandidatura ng direktor / producer.
Tiniyak ni direk Lino na tuloy pa rin, at nasa balota ang pangalan niya. “Ongoing ‘yung disqualification. Hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpapa-disqualify sa akin. Pero merong mga tao na ayaw akong manalo, ayaw akong tumakbo.
“So actually that’s something na I think hindi mawawala sa kahit anong telenobela. I don’t think it’s the family. I think may mga taong baka mas malalim ‘yung interes na ayaw akong manalo, to get involved.
“Ngayon, na-print na ‘yung mga ballots. So my name is in the ballot. So malaking bagay iyon. Pero tuloy pa rin ‘yung disqualification case. Ang maganda dun, nandoon na ‘yung pangalan ko sa balota. So mas magiging madali na iyong proseso.
“Pero siyempre ang prayer namin ay mabasura ‘yung disqualification case ko. Kung humaba naman at tumagal, maaaring kung manalo ako ay maproklama na ako by the time na lumabas iyung desisyon. So sa akin, ang importante, na-print na ‘yung balota na nandoon ‘yung pangalan ko,” saad pa ni direk Lino Cayetano.
Tiniyak din niya na kung papalarin siya bilang Representative ng 1st district ng Taguig-Pateros, hindi lang ang nasasakupan niya ang kanyang ire-represent kundi ang movie industry.
- Latest