Carla, may kailangan sa PSA

Sabi ni Carla Abellana, “I need a contact person from the Philippine Statistics Authority of Iloilo City. This is for my family. Can anybody help me?”
Sana nakahanap si Carla ng makakatulong sa kanya. Actually, dapat ang mga sangay ng gobyerno ay ginagawan sana ng paraan para mapalapit ang serbisyo nito sa mga tao.
Sa ating bansa rin naman kasi, kailangang makahanap ng koneksyon, para mapabilis ang trabaho. Sana madaling makahanap ng leads sa mga ganito.
Sa ibang sistema kasi, madali nang magawa online. Sana talaga nakahanap at nakatanggap si Carla ng kaukulang tulong.
Noranians, manonood pa ba?
Noranians, unite! Mananambal is here, showing na ngayon!
In fairness, nagka-presscon at umingay naman kahit papaano ang billing issue na idinenay ni Bianca Umali.
Pero sapat na ba ito para pasukin ng mga tao ang pelikula sa mga sinehan?
Maipapakita ba ng mga Noranian ang pagmamahal nila sa kanilang idol? Sana, sana naman.
Janine, pasok sa Quezon ni Echo
Jericho Rosales is Manuel Quezon sa pelikula na gagawin ng parehong makers ng Luna at Goyong. Bukod kay Echo, meron pang isang interesanteng kasama sa pelikula – isang foreign actor na gaganap ng isang interesting character! Bongga ‘di ba?
At maliban kay John Arcilla, interesting na naging bayani sa pelikula ang mga naging bayani sa puso ni Janine Gutierrez ‘di ba?
Spoliarium, tinangging para sa TVJ
Sinabi talaga ni Ely Buendia na ang Spoliarium na kanta nila ng Eraserheads ay hindi tungkol kay Pepsi Paloma at Tito, Vic and Joey.
Bakit nga ba napagkamalang ganito:
“Umiyak ang umaga
“Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
“Sa pintong salamin
“Di ko na mabasa
“Pagkat merong nagbura ah
“Ah ah ah”
Ibig sabihin hindi si Vic ang Enteng at hindi si Joey de Leon ‘yun! Intiendes?
At kailan na nga ba ipapalabas ang pelikulang The Rapists Of Pepsi Paloma? At natapos na nga ba ito?
Parang nabantilawan na ito, medyo, ‘di ba?
Nakakataquote:
Heto ang hirit ng isang journalist-political analyst nang lumabas ang larawan ni Toni Gonzaga hawak ang Gawad La Sallianeta Best Talk Show trophy ni Toni para sa Toni Talks:
“BEST TALK SHOW HOST: Standards these days be like.”
– Richard Heydarian
- Latest