Eleven 11, ayaw makipagtapatan sa ibang P-pop group

Ang 6-member girl group ba na Eleven 11 ang pinakabagong contender para sa trono na kasalukuyang hawak ng BINI?
Pagkatapos nga ng anim na buwan extensive training, ipinakilala na ng movie producer na si John Bryan Diamante, CEO ng Mentorque, ang Eleven 11 sa press conference ng Barako Fest sa Lipa noong Huwebes.
Ang grupo ay binubuo nina Ivy, Barbie, CJ, Audrey, Jade, at Swaggy, ang leader ng grupo.
“Eleven 11 are patterns that appear randomly in your life,” paliwanag ni Bryan. “You might notice them on car plates, etc. Eleven 11 is considered a lucky number, and many people say ‘make a wish’ when they see it,” dagdag niya.
Ang ilang sa mga tao ay naniniwala na ang 11:11 ay isang magic number o masuwerteng oras ng araw.
Sabi naman ni Ivy, bagay na bagay sa kanila ang pangalan: “Eleven 11 is a repeating number. It’s an ‘Angel number,’ so whenever you see it, it’s a sign from the universe that your dreams will come true. It’s also a sign that our guardian angels are watching over us.”
Para sa kanila, bilang bahagi ng grupo ay “dream come true,” na dagdag ni Ivy.
Ipinagmamalaki pa ni Bryan na ang Eleven 11 ay nakitaan niya ng potential matapos nila itong mapanood sa isang noontime show.
At naniniwala siyang may promise ang grupo at nakasunod sa standard ng Mentorque.
“You know how we do things at Mentorque,” sabi pa ng movie producer ng award winning movie na Mallari. “We believe in Filipino talent, and we maintain that there’s a place for everyone under the sun,” sabi pa niya.
Nag-debut ang Eleven 11 sa Barako Fest noong Pebrero 15, na nagpabilib sa mga Batangueño sa kanilang pop-rock-hip-hop set.
May kanya-kanyang style ang bawat miyembro ng grupo : Swaggy, ang leader, ang lead dancer. Sina Ivy at CJ ang mga main vocalist. Si Barbie ang rapper. Si Audrey ay kumakanta at sumasayaw, habang si Jade, ang pinakabatang miyembro, ay isang dancer-rapper.
Nang tanungin kung handa ba silang makipag-compete sa established P-pop groups, ayon sa grupo natural na ang pagkukumpara sa industriya at hindi naman sila binuo para makipag-compete kundi upang magbigay rin ng sariling saya..
“Sa industry, usually may mga comparison, pero ang goal namin ay ma-share ang talent ng bawat isa,” sabi naman ni CJ.
- Latest