Bianca, maraming natutunan kay Ate Guy

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Mananambal na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Kabilang din sa naturang proyekto si Bianca Umali. Marami umanong natutunan ang Kapuso actress mula sa nag-iisang Superstar. “Ang sinabi niya sa ‘kin ay dahil mahal niya. What shows is that ‘yung passion niya for what she does. It’s really her drive and her fuel to continue doing what she does,” nakangiting pahayag ni Bianca sa GMA News.
Isang malaking karangalan para sa dalaga na makatrabaho ang National Artist. Napahanga si Bianca dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga tagahanga sa Superstar sa mga nakalipas na dekada. “Makikita mo ‘yung pagmamahal ng mga tao, also sa’yo ang sikreto rin na magtagal ka eh. Kasi ‘pag mahal ka ng mga tao, sila rin ang mag-aangat talaga sa‘yo,” makahulugang paglalahad ng Kapuso actress.
Kamakailan ay pumutok ang isyung may kaugnayan sa billing ng naturang pelikula. Laking-gulat daw ni Bianca nang mabalitaan ang tungkol dito. “I was shocked. It became an emotional moment for me at some point. But in my heart and in my mind I knew that the best way to handle it was to be the most professional person in the room. To be working with our Superstar and National Artist is already an honor. And that is everything I need. Everything else that comes from it, the billing and even the award that I won is already bonus na lang,” paglilinaw ng dalaga.
Khalil at Gabbi, kasal na ang pinag-uusapan
Masayang-masaya si Khalil Ramos para sa kasintahang si Gabbi Garcia. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng isang Kapuso star na host ng Pinoy Big Brother. Makakasama ni Gabbi sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo bilang mga host ng PBB Celebrity Collab Edition. “I remember last year she was at a crossroads of her career. Thinking what else she could offer and then we would talk about this when we have these conversations. I always tell her, ‘I’ve worked with so many people, among all of them, grabe ‘yung skills mo pagdating sa mga tao. I think you could be the next huge host here in the Philippines,” kwento ni Khalil sa ABS-CBN News.
Mahigit walong taon nang magkasintahan sina Khalil at Gabbi. Nakikita na umano ng aktor at singer na pakakasalan na ang dalaga sa mga susunod na taon. “I think it’s coming. I’m heading into my thirties, Gabbi is heading into her late twenties already. We’ve been together for eight years. We get this question on a yearly basis when we celebrate our anniversary. We always get asked this question but yeah, in all honesty, that’s where we’re headed. When exactly, we’re not quite sure yet but we do talk about it. But yeah, that’s definitely we’re headed,” pagtatapat ng binata. — Reports from JCC
- Latest