Kris, hindi na kayang magtrabaho?!

Kahit nanghihina ako ako lately, naawa pa rin ako kay Kris Aquino nung nabasa ko na sinubukan niya na magtrabaho ng ilang oras kamakailan. Pero ‘yun daw halos isang araw nitong trabaho, tatlong araw ang kapalit na bed rest.
Grabe.
Ba’t ganun? I mean ba’t kailangan niyang magtrabaho?
‘Wag nang pilitin. Mas maganda siguro kung mag-chill na lang si Kris.
Kung gusto niyang magtrabaho, ‘wag sa harap ng kamera.
Baka pwedeng mag-bake na lang siya ng muffin or pandesal. Try niya ‘yung mga ganun para magaan lang.
Or magluto siya. O cooking show na lang kaya ang gawin niya tulad sa ginagawa niya noon?
Saka siguradong malaki ang ipon niya. Palagay ko hindi ‘yun basta mauubos kahit hindi pa siya magtrabaho kahit kailan.
Hahaha.
Love ko si Kris at lately pag may nababasa ako tungkol sa kanya, nami-miss ko siya.
Lalo na ‘yung kakikayan niya at pagiging generous.
Nawa’y gumaling ka Kris at bumalik ang lakas.
Pero sa totoo lang, pagdating sa husay sa pagho-host walang makakapantay kay Kris. Iba ang witty niya, at matalino, kayang pag-usapan lahat ng bagay, Hindi katulad ngayon sa mga nasisilip kong talk show, masyadong scripted. Umaasa ang mga host sa binabasa nila. Hindi spontaneous kumbaga.
Si Kris ‘di kailangan ng script. Gow lang nang gow.
Nakaka-miss siyang panoorin sa TV.
Makakabalik pa ba si Kris sa pagho-host? ‘Wag pilitin kundi kaya. Wala na siyang kailangang patunayan. Mas kailangan niyang alagaan ang kanyang katawan para sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby.
‘Yun lang at babu na.
- Latest