^

PSN Showbiz

Mark, inaabang-abangan ng mga babaeng mayayaman sa gay bar

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, inaabang-abangan ng mga babaeng mayayaman sa gay bar
Mark Herras

Bentang-benta pa rin si Mark Herras sa Apollo Male Entertaiment Bar.

At nalito ang mga customer sa naturang gay bar nang may nag-post na magpe-perform daw uli roon ang Starstruck Male Ultimate Survivor noong February 14, Valentine’s Day.

Sinabi pang willing daw itong maki­pag-table sa ilang customers sa halagang 25 thousand pesos per drink.

Hindi totoo, at hindi naman sinabi ng ilang source namin na special guest nila roon ang dancer/actor.

Tumanggi raw ito nang alukin nilang mag-perform ulit. Katwiran daw ng aktor, meron siyang ibang raket.

Kinakausap daw uli ito ngayon na mag-perform, pero hindi pa raw nito tinatanguan. Ang target daw sana nila ay mag-perform uli ito sa March.

Parang siya na kasi ang attraction sa naturang gay bar, dahil talagang  tinatao ito.

Nung pangalawang performance niya ay talagang na-sold out ang tickets at punung-puno ang lugar. Pero sabi ng aming source, hindi naman daw nakipag-table si Mark, nag-perform lang.

Tingnan natin kung makakabalik siya roon at papayag siyang makipag-table sa mga customer.

Karamihan naman daw sa mga babaeng customers sa nasabing gay bay ay talagang madatung.

Super raket ngayon si Mark dahil sa tinatapos nito ang ginagawa nilang bahay ng misis niyang si Nicole Donesa.

Ipinakita nila ito sa kanilang You Tube channel at maganda ang pagkakaayos nila sa bahay. Talagang tinutukan ito ni Nicole. Kamakailan lang ay nasa YT channel na rin nila ang gender reveal ng ipinagbubuntis ngayon ni Nicole. Kitang-kita ang sobrang tuwa ni Nicole na baby girl ang ipinagbubuntis niya.

Ang galing naman dahil may boy na sila, si Corky at girl naman ngayon.

Dalawa na ang anak na babae ni Mark. Iniiwasan nga lang niyang pag-usapan ang unang anak niya sa dating handler.

Sylvia, ayaw ibuyangyang ang buhay sa pelikula

Tuloy ang laban para kay Sylvia Sanchez, bilang producer ng Nathan Studios.

Hindi pa rin maganda ang resulta sa box-office ng mga pelikulang nag-showing sa mga sinehan nung nakaraang Miyerkules. Ini-expect nga nilang maganda ang resulta ng Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, pero hindi siya ganun kalakas kahit marami pang block screenings.

Nakasabay nitong nag-showing ang Buffalo Kids na dinistribute ng Nathan Studios, pero hindi rin ganun kaganda ang resulta sa unang araw.

Noong Sabado raw medyo okay ang resulta nito, at  ina­alam pa kung tumaas pa nung Linggo.

Pero tuloy pa rin si Sylvia sa pag-produce ng pelikula at pag-distribute ng mga pelikulang pambata at pampamilya.

Ang dami raw nilang natutunan noong nakaraang MMFF, at patuloy pa sila sa paggawa at pag-distribute ng pelikula.

“Tapos ngayon siyempre, hindi naman puwedeng sa isang laban lang susuko ka, dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka ‘di ba? Parang maging maayos ‘yung pagsali mo sa Metro Manila Filmfest. Saka hindi lang ‘yun. ‘Yung mga ipapalabas mo rito, ang daming learnings dun, so maa-apply mo rito kahit hindi sa Metro Manila Filmfest.

“We want to be different. Pag sinabing Nathan Studios ay kakaiba. Alam mo yun. Kakaiba. Basta eto na yung umpisa ng solo nang pag-distribute ng Nathan Studios.

“Eto na yung path na gusto namin, na bilhin na movies abroad. At ayaw namin mag-stick sa family drama lang, gusto namin lahat, pati horror, lahat na genre,” saad pa ni Sylvia nung nakatsikahan namin sa special screening ng Buffalo Kids.

Nag-suggest kami kay Ibyang na baka gusto niyang isapelikula ang buhay niya. Napakakulay  ng buhay niya na tiyak na marami ang makaka-relate.

Kaagad na umiiling ang aktres. Wala raw siyang balak na isapelikula ang kuwento niya.

“Huwag ayoko! Kasi kung gustuhin ko man, maraming ahhh masasagasaan, so huwag na lang. Saka nakapagpatawad na ako, okay na yun. Okay na yun, masaya na sa akin. Walang katapat na halaga yung nakapagpatawad ka.

“Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. Talagang…e huwag na huwag na.”

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with