^

PSN Showbiz

Jameson, grabe ang pabukol

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jameson, grabe ang pabukol
Jameson Blake

Kanya-kanya nang post ng mga invitation photos para sa Bench Underwear Fashion Show na Body of Works kasama na rito si Jameson Blake na mapangahas ang pabukol.

Pero habang daring ang shot, bakit parang matabang pa rin ang dating ni Jameson Blake sa mga fans. At tanong pa ng isa, bakit naka arko ang eyebrows niya?

Punchline ni Vice Ganda nang minsang magsama sina Jak Roberto at Jameson Blake - bakit hindi na lang kayo ang lumabas na puwedeng magtropa, yaman din lang na nag-iisa at solo sila sa Valentine’s Day ? Hahaha!

Nora, muntik mateknikal

Nag-back out na nga ang Superstar Nora Aunor sa congressional party list race bilang second nominee ng People’s Champ Guardians partylist.

Ang pangunahing rason ay ang kanyang kalusugan. At ‘yung may kuneksyon sa playdate ng pelikula niyang Mananambal kasama si Bianca Umali ay nadaanan lamang. Mateteknikal ang pelikula at baka hindi pa maipapalabas dahil hagip na ang petsa ng kampanya sa national - senators and partylist in congress.

Pero teka, susuportahan ba ng mga Noranians ang naturang pelikula? Sana naman!

Kumusta na ba ang kalusugan ni Ate Guy? Ano na kaya ang nangyayari sa kanya?

Kumusta na kaya ang project niya sa Unitel?

Ariella, nag-take over sa Miss Universe Philippines

So si Ariella Arida na 3rd Runner Up sa Miss Universe 2013 na nga ang bagong National Director ng Miss Universe Philippines kapalit ni Shamcey Supsup na tumatakbo pala bilang party list representative.

Ano kaya ang pagkakaiba ng pamamalakad ng dalawa? Paano kaya nila pagmumukhaing fresh ang batch na ito na ang matunog na ingay ay ‘yung mga repeater?

Maris, bongga ang exposure

Maganda ang exposure ni Maris Racal sa 75th Berlin International Film Festival para sa pelikula niyang Sunshine. Ganyan siguro magiging kakaiba si Maris, mas daring, at mas puwedeng magpaka-aktres. Hayaan na muna ang endorsement, darating din yan kapag naparangalan na siya bilang isang napakahusay na aktres!

Kailan nga kaya ipapalabas ang Sunshine dito sa Pinas? Isasali kaya nila ito sa Summer Metro Manila Film Fest kung sakali? Abangan!

Nakakataquote:

“Please be careful of dengue. It’s a different strain now that can cause us to be sick for 2-3 weeks kaya ingat po tayo. “

- Lino Cayetano

ACTOR

JAMESON BLAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with