Blink Twice ng BINI, sinulat ng songwriter ng Blackpink, Ariana at iba pang sikat

Nilabas na ang bagong awitin ng BINI na Blink Twice tampok ang playful vibes, catchy beat, at signature charm ng nation’s girl group sa kanilang sold out concert the other night sa Philippine Arena. Napapanood na rin ang music video ng kanta kung saan masisilip ang fresh look ng grupo.
Na-enjoy ng Blooms ang bigating music video tampok ang fun moves at makukulay na outfits ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.
Ang Blink Twice ang latest international release ng grupo kung saan tampok ang magkahalong pananabik at pagkalito ng isang tao sa paghihintay ng sign kung may nararamdaman din ba ang taong nakapukaw ng damdamin niya.
Kasama sa sumulat ng kanta sina Amanda Ratchford, Pacific-Joshua Zagabe, Marqueze Parker, Darius Coleman, Pontus Kalm o Oneye na sumulat na para sa BTS at Le Serrafim, at Steven Franks o Mr. Franks na nakatrabaho na sina Ariana Grande at BLACKPINK. Sina Oneye, Leather Jacket, Mr. Franks, at Glitch ang nagprodyus ng kanta sa ilalim ng ABS-CBN Music International.
Anyway, mas dumagundong naman ang Philippine Arena nang i-flash sa big screen sina Kim Chiu and Paulo Avelino noong Sabado ng gabi. Wow talagang yanig sa kilig ng Blooms.
Lalo na at nakiki-sing along sila sa fans ng BINI na dumagsa sa Bulacan.
Actress, haggard ang aura
Thunder na thunder na nga ang hitsura ng isang actress na walang gaanong ganap ang career.
Lalo na sa ibang mga pictorial niya, hindi na inaalagaan.
Maganda pa rin naman siya pero sa lighting siguro ng pictorial niya or sa styling ang problema, hindi bagay sa kanya.
Or baka kailangan niya ng bagong stylist para magmukhang fresh ang aura niya.
- Latest