Gerald, wala sa hitsurang pakakasalan si Julia?!

Pinag-usapan ang video ng aktor na si Gerald Anderson kung saan tinanong siya ng wish niya para sa iba at inalay nga niya iyon sa girlfriend na si Julia Barretto.
Sana raw talaga ay makuha ng anak ni Marjorie Barretto ang lahat ng gusto niya, sa mga pangarap niya, “her dreams, her goals, her mission in life.”
Sobrang genuine, humble, very good person inside and out, at very beautiful daw kasi ng karelasyon niya.
Sinabi pa nitong sobrang blessed niyang maging bahagi ng buhay nito.
Kaya wish daw talaga niya ay ma-accomplish nito at maabot ang lahat ng pangarap nito.
Mukhang mahal na mahal talaga nito ang girlfriend dahil kumikislap daw ang mata nito kapag pinag-uusapan ang karelasyon.
Parang mas malawak na rin daw ang wisdom ng aktor ngayon at nag-mature na sa piling ni Julia.
Pero nakulangan ang mga nakapanood ng video sa sagot nito.
Hinihintay raw nilang banggitin nito ang tungkol sa kasal.
Ang wish daw ng aktres ay kasal, paano na raw?
Tanong nga nila ay kelan daw ba ito magpo-propose sa girlfriend?
Mas naiinip na nga ang mga tagahanga nila at mas sabik pa sila na mag-propose ang aktor sa girlfriend.
Huwag daw nitong masyadong paghintayin si Julia at baka mainip ito.
Ganun. ‘Kaloka.
- Latest