^

PSN Showbiz

Hunk actor, na-trauma sa panghihipo ng laos na sexy actress!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Parang na-trauma ang isang hunk actor sa dating sexy actress na hindi na gaanong active ngayon sa pag-aartista.

Isinama itong si dating sexy actress sa isang sexy movie na ang dinig namin ay na-X pa raw ito ng MTRCB.

Kuwento ng ilang nakasaksi roon sa shoo­ting, isinabay raw ito si dating sexy actress kay hunk actor pabalik ng Maynila.

Wala kasing sasakyan si dating sexy actress at hindi na niya mahintay ang service pabalik ng Maynila. Kaya pinakiusapan si hunk actor kung puwedeng isabay na niya sa kotse  itong si aktres.

Okay naman kay aktor. Pero nung nasa biyahe na sila pabalik ng Maynila, nangulit na raw itong si dating sexy actress na tikman niya si hunk actor.

Hinipu-hipuan daw si aktor, pinag­hahalikan sa leeg.

Pero tumatanggi si hunk actor. Halos tiyahin na niya si dating sexy actress at hindi niya type makipagtikiman.

Pero nagpupumilit pa raw si aktres. Hanggang sa sinabihan na raw siya ni hunk actor na ibabalik na lang siya sa set kung hindi ito titigil sa pangungulit sa kanya.

Umayon naman daw si dating sexy actress. Ibalik na lang daw siya sa set at sasabay na lang daw siya sa service ng production.

Kaya bumuwelta na si hunk actor para ibalik si dating sexy actress.

Pero bago raw bumaba ng kotse niya nanghiram pa raw sa kanya si dating sexy actress ng P500 para pamasahe raw pauwi ng bahay.

Para matigil na, binigyan na raw niya ito ng P500 kahit alam naman ni aktor na may talent fee itong natanggap.

Maaaring pagod na si dating sexy actress sa mga lalaking hindi niya gustong tumitikim sa katawan niya. Ginagawa na lang niya alang-alang sa pera.

Ngayon lang sana siya makatikim ng lalaking gusto niya talaga, pero naunsyami pa!

Rhian, gustong makasama ng mga panadero!

May malaking event naman sa World Trade Center sa darating na March 6 hanggang 8, ang Bakery Fair na kung saan magkakasama-sama roon ang lahat na bakers sa buong bansa.

May participation din dito ang nasa ibang bansa na kung saan ay magbabahagi sila ng kanilang nalalaman sa baking.

Binuo ito ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. o FCBAI na pinamumunuan ni Chris Ah ng Liberty Foodmart.

Pero ang isa sa kaabang-abang dito ay kung dadalo ang mga kilalang celebrities na nagkakahilig mag-bake.

Pinadalhan daw nila ng imbitasyon si AiAi delas Alas na bumenta noong pandemic ang kanyang ube pandesal.

“Meron pa po tayong napaka-sexy na si Rhian Ramos, baka puwedeng mapagbigyan nyo po kami?” panawagan ni Chris Ah kay Rhian Ramos.

Pinadalhan din pala nila ng imbitasyon si Rhian kung puwede itong makadalo.

Mag-follow up pa raw ang team nila kung makakadalo ang mga nabanggit na artista.

 

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with