BINI concert super sold-out, Imelda humahabol!

Imelda Papin at BINI magka-level? Totoo bang silang dalawa ang may hawak ng record na pinaka-pumuno ng Philippine Arena?
Imagine, before pa BINI, heto na ang na-post about La Papin. “Way before Coldplay, Olivia Rodrigo, and Dua Lipa conquered the Philippine Arena! Kinabog lahat ng ibang Pinoy artists! Regine who? SB 19 who?
“After last weekend, it’s a tie at magka-level na - Imelda Papin at Bini - as the new concert queens?”
Talaga ba?
Ibang beauty queen, ilusyon pa rin ang Miss U
Kahit may sari-sarili nang titles na napanalunan, talagang never say die at never stop trying sina Ahtisa Manalo (Quezon Province), Yllana Aduana (Siniloan Laguna) at Winwyn Marquez (Muntinlupa) sa pagsali sa Miss Universe Philippines, para i-represent ang bansa natin sa Miss Universe 2025.
Ang sabi ng mga bakla, puksaan ang labanang ito. Bakit kaya after nilang mag-place at manalo ng ibang titles eh tuloy pa rin sila sa pagsali ng ganitong pageant?
May ibubuga pa kaya sila? Sa tingin niyo, ano ang chances nilang magwagi? Last na kaya nila ito?
Movie nina Dingdong at Charo, may title na
Only We Know na raw ang title ng bagong pelikula nina Dingdong Dantes at Charo Santos. Kung June ang target showing nito sa mga sinehan, posible kayang isali ito nina Direk Irene Villaflor sa Summer Metro Manila Film Festival kung matuloy man? Interesting ito kung sakali.
May kikita kaya? mga pelikulang Tagalog, nakapila sa sinehan!
Dahil sa sinapit ng pelikulang Ex Ex Lovers sa takilya, kinakabahan ang mga tao na maglabas ng mga pelikula ngayon. Imagine, maayos naman ang pelikula at ang sipag talaga nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na i-promote. At may pa-cameo pa sina Judy Ann Santos, Mylene Dizon, G. Toengi at Dominic Ochoa, pero anyare?
Paano kaya tatanggapin ang mga pelikulang Pilipinong ito:
Feb. 19-Lisik Origin Point at Mananambal; Feb. 26 - Caretakers at Everything About My Wife; March 5 - In Thy Name and March 12 - Lilim.
Ano sa tingin n’yo ang papalaring mag-hit sa mga pelikulang ito?
Nakakataquote:
“Mas mabuti pang walang label kesa naman may kasong libel.” – Alex Calleja
- Latest