Jericho, tinuloy ang trabaho kahit may trangkaso at diarrhea

May forever na ang hula ng followers nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa kanilang relasyon.
Ito ay dahil sa Valentine post ni Jericho sa kanyang social media platform.
Nasa pool sila ng aktres at kita sa kanilang mga ngiti ang pagka-in love sa isa’t isa.
Wala namang binigay na location si Jericho kung saan ‘yun dahil sa kanyang mga Instagram story ay naka-dextrose siya dahil sa trangkaso at diarrhea.
Ang unang post ng actor ay “4 p.m. yesterday. Eroplano, trangkaso plus diarrhea.”
Hanggang nag-swero na raw siya “headache from dehydration was intense.”
At ginawa nang hospital room ang kanyang hotel room.

Umalis daw siyang may sakit na sa Manila para sa kanyang Naga-Albay shows. “So to summarize, I left Manila ill (emoji ng fever at diarrhea) to do Albay - Naga shows.”
After 24 hours naman ay nag-ok siya base sa kanyang post at nakapag-show rin. “I made it! Thanks to my team and the doctors / nurses who helped me make it to the stage.”
Bigay-todo pa rin siya at nakipag-shake hands pa sa fans habang nasa stage. “What a trip. Cray. Another taste of ‘the show must go on’. I get my 8 hours of sleep now.”
From Albay ay dumiretso na sila ng Naga para ituloy ang trabaho.
Hindi niya kasama si Janine sa nasabing biyahe.
Hula ng ibang fans, malaki ang talent fee ng actor (sa isang political party) kaya kahit may sakit, hindi ipinahinga ang katawan.
Kinaya naman ng actor.
- Latest