^

PSN Showbiz

Mag-iinang Vilma, Luis at Ryan, resbak sa isyung political dynasty

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mag-iinang Vilma, Luis at Ryan, resbak sa isyung political dynasty
Vilma Santos

Hindi iniwasan Star for all Seasons Vilma Santos ang tanong tungkol sa political dynasty sa kanilang lalawigan.

Kumakandidato ulit si Ate Vi sa pagka-gobernador ng Batangas at tumatakbo naman sa pagka-vice governor si Luis Manzano at for Congressman sa District 6 ng Batangas ang anak nila ni Finance Secretary Ralph Recto na si Ryan Christian.

Kaya nang mag-file sila ng certificate of candidacy, hindi sila pinalampas at inisyuhan ng political dynasty.

Kaya natanong silang mag-iina kung anong sagot nila rito, sa ginanap na press conference sa natapos na Barako Fest sa Lipa, Batangas noong nakaraang Thursday : “We just don’t want to entertain that. We are here to serve and people will judge us. That’s all,” kalmang pahayag ng award-winning actress.

Maging si Luis ay may buwelta : “May electoral process. Basta ang hatid namin ay ‘yong paglilingkod na gusto namin ibigay sa bawat Batangueño. Kung saan mapunta ang pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto namin ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante ‘yon,” katwiran ng mister ni Jessy Mendiola.

Jessy Mendiola at Luis Manzano

Pagdating kay Ryan Christian na magaling na sa Tagalog ay: “We said it perfectly, naman. Yeah, we’re simply throwing our hat[s] at them. We’re here to be at service for the people. And ultimately, the choice will always be theirs.”

Pero aminado si Ate Vi na given na ang kritisismo sa pulitika.

“Damned if you, damned if you don’t. You do good, may sasabihin. You do bad, may sasabihin sa iyo.

“But you know, para pagkatiwalaan ka ng tao, at maniwala sa iyo, palagay ko ‘yun ang priceless, ‘yun ang fulfillment, at ‘yun ang legacy mo nang walang kamera.

“So, I guess sa eksper­yensa ko for 24 years, ‘yun ‘yung medyo hardship,” paliwanag pa ni Ate Vi.

Pero marami rin naman aniyang magagandang bagay sa pagiging public servant.

“‘Yung fulfillment naman serving our people who are in need, na ‘pag nagpasalamat sa iyo halos mamatay na, hindi mo naman pera ‘yung ginastos…

“‘Yung bagay na ‘yun, sa naramdaman ko, priceless yun. Hindi mababayaran ‘yun ng pera. At ‘yun ang ipinaliwanag ko sa mga anak ko.

“Kasi galing kaming showbiz. Once you see the reality of life, it’s different. You will value your life, and you will know how blessed you are ‘pag nakita mo na ang totoong buhay ng mga tao.

“At kung ‘yang dalawang anak ko ay mararanasan yan, palagay ko yung fulfillment ng buhay nila, mae-enhance pa at mabibigyang-importansya nila ang buhay nila, and at the same time ang buhay ng ibang tao,” mahaba-haba pang katwiran ng actress.

At nang tanungin si Luis kung ako para sa kanya ang public service

“Siguro the hardest part is… sa public service kasi, napag-usapan naman namin, alam naman natin na hindi siya madali in general.

“Na marami kang makakahalubilo, marami kaming makakausap. Pero ang pinakamahirap siguro is finding the balance para sa lahat ng gusto.

“Kasi certain sectors, for example. May mga sector na may hinihingi, tapos hindi mo pa nabibigay, may kabilang sector na, na humihingi ng kanilang tulong, ng kanilang assistance, ng kanilang proyekto.

“Para sa akin, ang pinakamahirap is marami kang gustong gawin sa Batangueño o para sa Batangueño. To be perfectly honest, si­yempre limitado ka rin sa budget mo. Limitado ka rin sa puwede mong magawa,” paliwanag naman ng TV host na pahinga sa muna sa kanyang TV career.

Samantala, inamin naman ni Jessy na ayaw niya talaga sa pulitika noon at nagbanta pa siyang maghihiwalay sila ‘pag tumakbo ito.

“Totoo po ‘yong nagkaiyakan po kamo dati [ni Luis]. Sabi ko nga po sa kanya no’ng magnobyo pa lang kami, “ay naku, kapag tumakbo ka hihiwalayan talaga kita”, e nasaan na po tayo ngayon? Magkasama pa rin po tayo ngayon,” pahayag niya.

At ang paliwanag niya : “Nakilala ko po si Luis, kakaiba po ang puso nito. Alam n’yo po lahat ‘to. Kahit po no’ng nasa showbiz pa lang po, tumutulong po ito nang hindi nagpapasabi ng pangalan. Minsan nga po kahit kulang na lang pagkasigawan ko pa po [na] “si Luis po ‘yan, si Luis po ‘yan!”.And ‘yong path [ay] hindi po natatapos –kumbaga po ‘pag tumulong siya, tapos na do’n? Hindi po. Chine-check pa po niya kung okay pa po ‘yong tinulungan niya, kung tuluy-tuloy po ba ‘yong assistance, and everything. Sabi ko po, “he has the heart”, and of course we all know naman na he’s very smart,” pagtatanggol pa niya sa asawa at ama ng anak nilang si Peanut.

ACTOR

ACTRESS

LUIS MANZANO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with