^

PSN Showbiz

Maine naka-chika ang thai superstar na si Bright Vachirawit

Pilipino Star Ngayon
Maine naka-chika ang thai superstar na si Bright Vachirawit
Bright Vachirawit at Maine Mendoza

Uy parang nagka-chikahan sina Maine Mendoza and Thai superstar Bright Vachirawit sa Bangkok.

Nag-post nga si Maine na together sila ni Bright in one frame! ????

Nagkasama ang dalawa para sa world premiere ng inaabangang Emmy Award winning series na The White Lotus season 3.

Kabilang cast ngayon ng White Lotus si Lala Lisa ng Blackpink.

Nag-post si Maine ng “Soooo thrilled to be at the green carpet premiere of The White Lotus Season 3 in Bangkok! As a fan of the show, being part of this event feels truly special. Can’t wait to see what this season has in store! February 17 is the day!

“Catch #TheWhiteLotus Season 3 streaming on Monday on Max with Cignal. Visit www.cignal.tv for more details.”

KZ Tandingan, naglabas ng love song para sa mga queer

May bagong love anthem ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tan­dingan na alay para sa LGBTQ+ community ngayong Valentine’s na pinamagatang Nagmamahal Lang Ako.

Hatid na mensahe ng awitin na libre lang umibig at para ito sa lahat, anuman ang kasarian. Hango ito sa kwento ng isa sa matalik na kaibigan ni KZ na hindi pa maipagsigawan ang pag-ibig na nararamdaman.

“I wrote this song for one of my best friends na hindi pa maipagsigawan sa mundo ang pagmamahal na meron siya. While they wait for their right time, ako na muna ang mabibiing boses ng kwento niya,” ani KZ sa Instagram.

Si KZ rin ang nagprodyus ng kanta na inareglo ni Theo Martel, nirekord, mixed, at mastered ni Timothy Recla, at inilunsad sa ilalim ng Star Music.

Magiging bahagi ito ng upcoming album ni KZ na Soul Supremacy II.

Napapakinggan na ang Nagmamahal Lang Ako sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Anyway, iba’t iba ang kahulugan ng queer : “Lesbian, gay, bisexual, and transgender people may all identify with the word queer. Queer is sometimes used to express that sexuality and gender can be complicated, change over time, and might not fit neatly into either/or identities, like male or female, gay or straight,” ayon sa plannedparenthood.org.

ACTRESS

MAINE MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with