^

PSN Showbiz

Alden, pinaghandaan ang birthday ni Heart!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden, pinaghandaan ang birthday ni Heart!
Heart Evangelista at Alden Richards

Kabilang si Alden Richards sa mara­ming bisita na imbitado at dumalo sa 40th birthday party ni Heart Evangelista na ginawa sa WhiteSpace Manila. Ka-table ni Alden ang mga bossing ng GMA Network gaya nina Jimmy Duavit at Atty. Annette Gozon-Valdes.

Sabi ng fans, pinag­handaan ni Alden ang pagdalo sa birthday ni Heart dahil sa kanyang bihis na gawa ni Michael Leyva, Tom Ford  shoes, brooch from Louis Vuitton, watch from Patek Philippe, kaya astig talaga ang datingan ng aktor sa party ni Heart.

Maaalalang sa birthday presentation ni Heart sa All-Out Sundays, kinantahan pa niya ito.

Nagpa-block screening naman si Heart ng mga pelikula ng aktor, kaya friends talaga ang sila kahit hindi pa nagkakatrabaho.

Tsika pa sa birthday party ni Heart, ang performance ni Gary Valenciano ay surprise ni Senate President Chiz Escudero sa wifey niya. Si Chiz rin daw ang pumili ng repertoire ni Gary kabilang ang Warrior is A Child na ikinaiyak ni Heart.

Sa birthday party ni Heart muling nagkasama ang parents niya at nagpakuha pa sila ng larawan. Aliw lang dahil gusto sana ni Heart na magsayaw ang parents niya, pero tumanggi ang mom niya.

Rhian, special mention sa Bakery Fair!

In-on the air ni Mr. Chris Ah, president ng Filipino-Chinese Bakery Association of the Philippines Inc., (FCBAI) ang imbitasyon kina Judy Ann Santos, AiAi delas Alas,  Marvin Agustin, Rhian Ramos, at Marian Rivera na sana, pumunta sila sa gaganaping Bakery Fair 2025. Common knowledge nagbe-bake ang mga nabanggit kaya sila iniimbitahan.

Special mention  din ni Mr. Chris si Rhian dahil nakita niya sa Instagram post nito na nagbe-bake ito ng cookies na naka-bikini. Tinawag pa niyang “sexiest baker in town” ang aktres.

Three-day ang event na gaganapin sa World Trade Center mula March 6 to 8 at kasama sa event ang unveiling ng latest tools, techniques, and trends shaping the future in baking na makakatulong sa mga nagbe-bake.

Ipinagmalaki rin ni Mr. Chris ang 360 degree stage na ngayon lang gagawin sa event. Revolving ang stage habang may nagaganap na live demonsrations, kaya hindi mahihirapan ang audience na manood.

Ang daming matututunan sa Bakery Fair 2025 at makinig pa lang kay Mr. Chris, may matututunan ka na. Gaya ng nabanggit nito na ang traditional pan de sal ay walang sugar. Saka, in ngayon ang Croissant at ang ginawa ng ibang bakers, in-update na may Cheese Croissant na at Ube Croissant.

Malaking cash prize ang mapapanalunan ng winners sa Grand Tiers Wedding Cake, Display Competition at international ang judges from South Korea, Vietnam, at Thailand.

Ysabel, script ang pa-birthday kay Miguel

Sa concert ng The Script sa Smart Araneta Coliseum nagsimula ang Valentine’s Day date nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Kung hindi kami nagkakamali, birthday gift ni Ysabel sa boyfriend ang tiket sa concert ng band.

Sa reels, makikitang naki-sing-along at sumayaw pa kasama ang ibang fans ng band.

After ng concert, nag-late dinner sila at wala na sigurong magagalit kay Miguel na wala raw time sa GF at puro Mga Batang Riles ang priority.

ACTOR

ACTRESS

ALDEN RICHARDS

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with