^

PSN Showbiz

Luis naospital, nawalan ng endorsements!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis naospital, nawalan ng endorsements!
Jessy, Luis Manzano, Vilma Santos at Ryan.
STAR/ File

Seryosong maging Vice Gov... Kalalabas lang ng hospital ni Luis Manzano nang dumalo siya sa opening ng Barako Fest 2025 sa Lipa City, Batangas noong Huwebes.

Apat na araw rin siyang naglagi sa hospital dahil sa viral infection kaya medyo ubos daw ang boses niya – Thursday (last week) to Monday.

Last Thursday ay ok na ang mister ni Jessy Mendiola pero may konti pa siyang ubo. Kaya nakasali na siya sa whole day event sa pagsisimula ng Barako Fest 2025 na dinarayo ng mga mahihilig sa kapeng barako.

Kakandidatong Vice Governor ang mahusay na TV host at aniya ay handa na siya sa pag-uumpisa ng kampanya sa local position – March 28 up to May 10 – 45 days.

Kaya siya na mismo ang nagkuwento na nawalan siya ng apat na endorsements. Hindi na raw nag-renew ang mga ito matapos ang announcement na papasukin niya ang pulitika.

Ayon pa sa mister ni Jessy, tanggap niya ang decision ng mga kumpanya o brand na tapusin muna ang kontrata niya matapos ang mahaba-habang pagkukumbinsi sa kanya ng inang si comebacking governor Vilma Santos na kanyang makaka-tandem. “To be honest, lahat naman tayo matatanda na sa industriyang ito, sa katunayan marami sa mga endorsement ko ang hindi na nag-renew. Agad-agad nu’ng naisipan namin na mag-file ng COC (certificate of candidacy), isa ‘yun sa sinabi ni Gov. Vi, kumakain kami that time.

“Sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, alam na alam ko ang industriyang ito kapag pumasok ka sa pulitika, sa maniwala ka o sa hindi, kahit ang endorsements mo mawawala. Sa katunayan tatlo o apat na endorsements ko ang nag-pull out na,” pag-amin ni Luis habang nasa entablado.

Pero wala raw siyang magagawa at napaghandaan niya ang ganung scenario. Nanghihinayang siya, pero maluwag niyang tinanggap ang lahat dahil bahagi ‘yun ng desisyon niyang pasukin ang public service. “Sabi ko, naiintindihan ko naman ‘yun, pero ‘yung income ko tatamaan talaga. Sabi nga ni Gov. Vi, which is ramdam ko sa start pa lang, sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercial, ng endorsements, e, masarap naman ang tulog mo dahil marami ka namang natutulungan na tao,’” katuwiran niya tungkol doon.

Walang binigay na brand si Luis kung anu-ano pero kung mahilig kang manood ng TV, mahuhulaan mo ang mga ito.

Nakapag-taping na rin siya ng finale episode ng Rainbow Rumble sa Kapamilya Network.

Inulit ni Luis na hindi madali ang naging desisyon niya na kumandidatong Vice Governor katulad sa nauna niyang kuwento.  “Umabot pa po na nung nag-usap kami ni Jessy, nag-iyakan kami. Dahil sabi nga po, hindi biro ang buhay ng isang lingkod-bayan. Akala po ng iba mahirap ang buhay ng isang artista pero mas mahirap po ang buhay ng isang lingkod-bayan. Dahil wala na itong telebisyon, wala na itong patawa, wala na itong mga papremyo, here and there. Ang pinag-uusapan na rito ay ang buhay ng mga Batangueño. Nag-iiyakan kami, ayaw niya nung una,” bahagi ng pagkukuwento ni Luis.

Aniya sa bandang huli ay naramdaman talaga niya na ito na ang tamang oras para tulungan ang inang kumakandidato ulit ng gobvernador.

Bukod kay Luis tumatakbo rin ang kapatid niyang si Ryan Christian bilang congressman sa 6th district ng Batangas.

Silang tatlo kasama ang iba pang opisyal at lider sa Batangas ang nanguna sa pagbubukas ng Barako Fest 2025.

Hindi naman nakadalo sa ginanap na press conference para sa Barako Fest si Finance Secretary Ralph Recto na brainchild niya pala. Tatagal ito hanggang ngayong araw, Sabado, na dinagsa ng local travellers and tourists.

Kasama sa nasabing event ang pag-ikot nila sa Manila-Batangas Bypass Road. “The third edition of the Barako Festival, which opened here Thursday, is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.

“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.

“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this,” pahayag ni Bryan Diamante, ang president at chief executive officer ng Mentorque Productions, na siyang punong-abala sa naturang event sa Lipa City.

Bahagi rin nito ang playfest, content creatorfest, sportsfest, tradefest, foodfest, driftfest, musicfest, ravefest, dirtfrst, at car & motorfest.

Gaganapin naman ngayong gabi ang main concert na pangungunahan nina Vice Ganda, Joshua Garcia, TJ Monterde, KZ Tandingan, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, JC Santos, Jerome Ponce, Hev Abi, Ron Angeles, Good Boyz, Eleven 11, Eclipse, at Mike Swift.

Coco, gagawa na rin daw ng sariling production company; Andrea, napi-pressure

Excited na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya para sa FPJ’s Batang Quiapo, na nagbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.

Sa Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special,  ikwinento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kama­kailan nga lang ay inanunsyo ang bagong cast members tulad lamang nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.

“Overwhelming para sa akin. Kasi imagine n’yo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actor na mga icon na sa industry. Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” saad ni Coco.

Para kay Andrea, inamin niyang nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast. “I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa ‘BQ.’ Matagal ko nang nire-request na gusto ko mag-action.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na itinangkilik ng mga manonood.

“I’m really grateful to be part of this big and successful project. I’m just excited to experience the best version of Coco Martin,” sabi ni Jake.

Proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na makaeksena si Coco.

“I’ve heard so much about Coco and I know of the success of ‘Batang Quiapo’ and I wanted to see this guy in action and see it first-hand,” kwento ni Chanda. Sabi naman ni Celia, “I’m so proud that I’m here. Everybody wants to be in this cast.”

Samantala, ipinahayag din nina Albert at Angel kung gaano sila kasaya sa kanilang pagbabalik-aksyon kasama si Coco matapos nilang mapabilang sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan importanteng mga karakter ang ginampanan nila.

Mapapanood ang three-part special ng Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Pero totoo kayang magsasarili na ng production si Coco pagkatapos ng contract niya sa Kapamilya Network?

Nakilala sa boses na parang kinukurot ang singit...

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with