Matutina, pumanaw

Hindi na kilala ng Gen Z, pero nawala na naman ang isa sa iconic commedienne ng entertainment industry na sumikat noong panahon ng John en Marsha, si Matutina.
Si Matutina na Evelyn Bontogon-Guerrero sa totoong buhay ay sumakabilng buhay kahapon, Valentine’s Day, sa edad na 78, ayon sa anak niyang si Shiela Guerrero.
Nagsimula si Matutina sa radyo bago siya nakilala sa telebisyon particular na sa John en Marsha na napapanood sa RPN Channel 9 mula 1973 hanggang 1990.
Tumatak sa lahat ang matinis na boses niya na isang kasama ng mayamang Doña Delilah G. Jones (ginampanan ni the late Dely Atay-Atayan).
Talagang ‘di mo malilimutan ang boses niya na parang kinukurot sa singit ang tili na nasa timing ang mga bitiw ng punch line.
Bukod sa John en Marsha, nakilala rin siya sa mga programang At Your Service, Matutina, Ang Inyong Lingkod Matutina, Dancing Master 2, and Kapag Baboy Ang Inutang.
Ang amin pong pakikiramay.
- Latest