^

PSN Showbiz

Kapatid ni Andi, may simpleng okray kay Derek?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kapatid ni Andi, may simpleng okray kay Derek?
Lilo, Stevie at Elie.
STAR/ File

May pasaring ba ang kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie kay Derek Ramsay?

Ikinonek ng mga netizen ang ni-repost niya na meme sa mister ni Ellen Adarna na “How can you talk if you haven’t got a brain?

“I don’t know. But some people without brains do an awful lot of talking, don’t they?”

Maaalalang nag-post ng sunud-sunod na hanash  si Andi matapos makipag-matching tattoo ang partner na si Philmar Alipayo sa BFF niyang si Pernilla Sjoo.

Nasaktan ang inactive actress sa ginawa nito at na-‘betray’ raw siya nito.

Pero matapos nga ang kaguluhan nila ay agad ding nagkaayos ang dalawa kung saan sinabi ni Philmar na ok na raw sila at makikita na magkasama na silang kumain kasama ang mga anak.

Makikita rin sa mga post nila ang pagdalaw ng kapatid ni Andi na si Stevie sa Siargao kasama ang grandparents nilang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Kasunod naman nito ay galit at gigil si Derek Ramsay sa dalawa at nagpa-inteview pa dahil sa ginawa sa matalik niyang kaibigan na si Pernilla.

Awang-awa raw siya rito at marami ngang sinabi si Derek at hinamon pa si Philmar na magpakalalaki.

Dinepensahan naman si Stevie ng mga tagahanga ni Andi na may karapatan naman daw kasi talaga si Andi mag-react sa ginawa ni Pernilla.

Wala naman na raw ‘business’ ang mag-asawang Ellen at Derek kahit pa matalik na kaibigan sila ni Pernilla.

Habang ang mga basher naman ni Andi ay sinabing mas bagay raw sa kanya ang post ng kapatid dahil ito naman daw ang unang nag-ingay sa social media.

‘Kaloka.

Naku ayusin nila ang buhay nila noh.

‘Wag gamitin ang social media kung nagda-drama lang sila.

ANDI EIGENMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with