Kelvin, naaksidente!

Wala mang kasintahan ngayon ay mayroon naman daw naiibigan si Kelvin Miranda. Dalawa na ang naging kasintahan ng aktor na kapwa-artista. Para kay Kelvin ay mas importanteng pagtuunan ng panahon ngayon ang kanyang karera. “May napupusuan, ini-enjoy ko lang kasi ‘yung process. And ‘yung mga priorities talaga, kailangang unahin,” pagtatapat ni Kelvin sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nagbigay ng opinyon ang Kapuso actor tungkol sa pagkakaroon ng matalik na kaibigan ng mga magkasintahan. Mainit na pinag-usapan ang tungkol sa ugnayan diumano ng kasintahan ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo at ang matalik nitong kaibigang babae.
Wala raw problema kay Kelvin kung sakaling mayroon mang male best friend ang magiging kasintahan. “Kung sakaling nararamdaman ko ‘yung respeto, why not? Hindi ko siya kailangang pigilan. Papayag ako,” giit ng binata.
Matatandaang naakusahan si Kelvin noon bilang isang cheater. Nalampasan naman ng aktor ang isyung ito. “Tinanggap ko lang po ‘yung katotohanan sa sarili ko, Tito Boy. Kasi wala naman akong dapat ipaliwanag. Kasi alam ko ‘yung totoo and hindi ko kailangang ipagtanggol ‘yung sarili ko sa taong… ang hirap magsalita eh, sa taong alam niya kung hanggang saan ako at hanggang saan ‘yung kaya kong ibigay,” makahulugang pahayag ng aktor.
Ayon pa kay Kelvin ay malaking bagay ang social media na talagang nakakaapekto sa buhay ng mga tao ngayon. “Umabot do’n sa punto na, wala, online world na ngayon. So konting conflict, konting misunderstanding, kayang palakihin, kayang lumala lalo’t sa samu’t saring pagsasawsaw ng mga tao sa social media,” paliwanag niya.
Samantala, kamakailan ay nasangkot si Kelvin Miranda sa isang aksidente sa kalye. Ayon sa aktor ay ginampanan naman niya ang tungkulin bilang isang responsableng motorista. “Aksidente talaga siya, Tito Boy, eh. Hindi naman natin maiiwasan kahit gaano natin kabisado ang mga gamit natin. ‘Yung pansarili nating gamit, sasakyan. ‘Di natin kabisado talaga ang disgrasya sa daan. ‘Yon, nangyari siya and ginawa ko naman lahat para ma-settle lahat nang dapat ma-settle,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Matapos magtatakbo na naka-panty at bra, Maris umaawra sa Berlinale
Kasalukuyang nasa Germany ngayon si Maris Racal upang dumalo sa Berlinale International Film Festival. Kalahok sa naturang event ang pelikulang Sunshine na pinagbidahan ng aktres. “I’m very happy to announce that Sunshine will be in competition under the generation 14 plus program which tackles story about children, teenagers,” nakangiting pahayag ni Maris sa ABS-CBN News.
Nag-trending kamakailan ang mga eksena ng aktres sa Incognito. Tumakbo si Maris na naka-panty at bra lamang sa action scenes ng naturang serye. “Super lamig, so nanginginig lang ako the whole entire time. No’ng nakita ko ‘yung script, panty at bra, magtatakbo. Sabi ko, ‘Bukas na ba ito kukunan?’ ‘Yes po, Opo.’ ‘Sige, game!’ Tapos sabi, ‘Kung hindi ka comfortable, pwede ka namang mag-cycling (shorts).’ Sabi ko, ‘Hindi, itodo natin ito.’ So game ako. I felt powerful. Parang wearing that, I’m just really comfortable with my own body. Tumakbo lang ako like no one is watching. It also encourages women to be confident with their bodies,” natatawang kwento ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest