^

PSN Showbiz

Alex Calleja, itutuloy ang demandang cyber libel

Pilipino Star Ngayon
Alex Calleja, itutuloy ang demandang cyber libel
Howard at Alex
STAR/ File

Lumikha ng ingay ang show ng stand-up comedian na si Alex Calleja na Tamang Panahon.

Napapanood ito sa Netflix at hanggang kahapon ay nasa number one pa rin ito ng top 10 TV shows. Pumangalawa ang Incognito.

At nadagdagan ang na-curious nang mag-post sa kanyang Facebook account ang GMA comedy writer na si Chito Francisco na idea raw niya ‘yung ‘carwash joke’

Mapapanood natin sa Netflix ‘yung sinasabing ‘carwash joke’ na sinabi ni Alex na meron daw malapit sa kanila na carwash, walking distance lang. Hindi na kailangang magdala ng kotse.

Nag-call out itong si Chito Francisco na sinabi pa niyang, “madami ka pa puwede nakawin.”

Nag-react agad si Alex na sinabi niyang puwede naman daw siyang tawagan o private chat. Hindi na kailangang i-post sa social media.

Sabi pa ni Alex, “Anyway, mag-ingat po tayo sa salitang nakaw. May cyber libel po tayo at hindi ‘yun joke. Remember, I have a friend.”

Ayun! Kahapon lang ay nag-post na si Alex Calleja sa kanyang FB account ng litratong magkasama sila ng pinsan niyang si Atty. Howard Calleja.

Nasa caption nito, “I have a friend…and a lawyer cousin!

“Meeting with Atty. Howard Calleja, Senior Managing Partner of Calleja Law. He will be hand­ling my cyber libel case.

“Magpapa-carwash na rin kami after. Walking distance lang eh (smile emoji)”

Kahapon din ay may FB post uli siya na magkasama naman sila ni Atty. Lorna Kapunan.

Aniya, “I have another friend… Atty. Lorna Kapunan!

“Magkasama nga pala kami sa Face 2 Face and she is also helping sa ating situation.

“Standby for updates sa Tamang Panahon!”

Nagpasalamat si Alex na patuloy pa ring nasa number one ang kanyang Tamang Panahon.

“Ang HAPPY! NUMBER ONE pa rin tayo sa Netflix sa mga TV SHOWS for 6 days!!! And wait there’s more! #TAMANGPANAHON ang hashtag ng ALDUB ng 2015 at NUMBER ONE na rin sa movies naman ang Hello, Love, Again na movie ni Alden Richards! Kasama ni Alden Richards si Maine Mendoza sa ALDUB!”

Read between the lines,  may mga pahaging si Alex Calleja sa mga ipino-post nito.

Kaya abangan natin kung ano ang susunod niyang hakbang.

Kahapon ay guest si Alex sa It’s Showtime para patuloy pa rin niyang pino-promote ang Tamang Panahon.

Pinag-sample siya nina Vice Ganda ng joke, iyong ‘carwash joke’ ang inihirit niya na hindi naman itinuloy. Nagkatawanan na sila. At sinundan ni Ogie Alcasid na nung 2011 pa ‘yung joke na ‘yun, at nag-agree naman si Alex.

Lovi, pinaghahandaan ang pagrampa

Nakatakda palang bumalik ng bansa si Lovi Poe, at in time sa nalalapit na Body of Work na Bench fashion show na rarampahan niya.

Maraming kaabang-abang sa fashion show na ito, lalo na’t ang bongga ng mga pictorial nila.

Isa nga sa pinag-usapang pictorial ay ang kay Joshua Garcia na talagang may pabukol.

Hindi man siya naghubad doon, pero ang sexy ng dating ng naturang pictorial.

Daring din ang underwear pictorial ng Sparkle hunk na si Bruce Roeland. Ang ganda naman kasi ng katawan, kaya proud siya sa naturang pictorial.

Sandali naming nakatsikahan si Bruce nang dumalaw sila sa PEP office at excited nga raw siyang maging bahagi siya sa Body of Work fashion show.

“Na-excite ako lalo kasi may upcoming kami na  fashion show this March. Kaya nagre-ready na ako. I’m very excited,” pakli niya.

Sa March 21 na ang fashion show na gaganapin sa SM MOA Arena.

Kahit marami siyang ginagawa, isinisingit daw talaga niyang mag-gym. “Hilig ko po talaga ‘yung gym e. Kahit after taping, nagdyi-gym po ako,” sabi pa niya.

Bahagi si Bruce sa Mga Batang Riles, pero puwede talaga siya sa sexy roles.

Okay naman daw sa kanya ang daring roles, kung ia-allow ng GMA 7. “May tiwala naman po ako sa GMA. Kung ano pong ibigay sa akin na role, payag po ako,” dagdag niyang pahayag.

ALEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with