Mga pelikulang palabas may patnubay ng MTRCB, mga sinehan matamlay
Binigyan ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang superhero film na Captain America: Brave New World ng Marvel Comics.
Pinagbibidahan ni Anthony Mackie bilang Sam Wilson, ang bagong Captain America ang ika-35 edisyon ng pelikula sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).
Tulad ng lahat ng PG-rated na pelikula, nagpaalala si MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakatatanda na ang mga edad 12 at pababa ay kinakailangan ng gabay ng magulang o guardian sa panonood para sa tamang paggabay.
Kabilang sa mga pelikulang binigyan ng PG rating ngayong linggo ay ang mga sumusunod:
Ex Ex Lovers – Ang pagbabalik tambalan ng dating onscreen partners na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Paquil – Tungkol sa pananampalataya, kultura, at pagbabalik-loob na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at JM de Guzman.
Bridget Jones: Mad About the Boy – Mula sa nobela ng kilalang peryodista at nobelista na si Helen Fielding.
Buffalo Kids – Isang Spanish animated na pelikulang angkop para sa mga bata.
Sana lang talaga ay dumagsa ang mga manonood sa mga sinehan.
Napadaan ako sa mga sinehan sa isang mall sa QC the other day, Wednesday, at sadly walang nakapila.
Iilan lang ang nanonood.
Hit songs nina Belle, KDLex, Vice Ganda, pinagsama-sama sa isang album
Inilabas na ang StarPop: The Remixes Volume 3 album na naglalaman ng remix ng 15 pop songs mula sa Kapamilya artists tulad nina Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, at Vice Ganda.
Kabilang sa bagong collection ang remix ng mga awiting Apelyido, Biglaan at Walang Pake ni Belle pati na rin ang Believing in Magic collab niya kasama sina Alexa Ilacad at Francine Diaz.
May dalawang fun remix naman ang Bwak, Bwak, Bwak! ni Vice Ganda, ang Clean Version at Explicit Version na kasama rin sa album.
May bagong tunog din ang Kung Naging Tayo ni Alexa at Walang Hanggang duet nila ni KD Estrada.
Ang bagong remix album ay inareglo ni Theo Martel at prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Kasama rin dito ang reimagined versions ng Ikaw at Ikaw ng P-pop group na 1621BC, Di Ka Nag Behave at Iba Ka ni Seth Fedelin, You Didn’t at Masterpiece ni Anji Salvacion, Karapatdapat ni Kakai Bautista, at Oh Divine Diva ng grupong Divine Divas.
Napapakinggan na ang StarPop: The Remixes Volume 3 sa iba’t ibang music streaming platforms.
- Latest