^

PSN Showbiz

Mikee at Alex, araw-araw may honeymoon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nagkandabuhul-buhol ang traffic sa bagong gawang bypass road sa Lipa City, Batangas last Thursday dahil dalawang malaking events ang naganap simula umaga hanggang gabi.

Una, nagkaroon ng blessing ng bypass na pinangunahan ni gubernato­rial candidate Vilma Santos-Recto kasama ang mga anak niyang sina Luis Manzano who’s running for vice governor at Ryan Christian na running for congressman sa isang district sa Batangas.

Present din ang mga incumbent official ng bayan at munisipalidad ng Batangas pati na tumatakbong kandidato sa iba’t ibang posisyon.

Matapos ang blessing, ang kick-off ceremony naman ng Barako Fest 2025 na nagsimula kahapon, at ngayong araw magtatapos sa isang malaking concert!

Maraming activities na naka-line up sa tatlong araw ng festival at sa magre-register, may chance na manalo ng brand new motorcycle!

Sa pagbabalik ni Ate Vi sa pukitika, tuwang-tuwa ang mga Batangueño dahil heto muli ang isang nanay na aagapay at tutulong sa kanilang pangangailangan!

Eh with the help of her two sons, Luis at Ryan, lalong magnining­ning ang Batangas at muling madarama ng Batangueño ang H.E.A.R.T. S. advocacy ni Ate Vi!

Sa event, naging accommodating sa media si Mikee Morada na tumatakbong vice mayor ng Lipa City. Si Mikee ang asawa ni Alex Gonzaga na nagsabing very supportive ang asawa sa festival at bukas eh dadalo siya.

“She’s okey now. Everyday is a honeymoon sa aming dalawa. Strong ang faith namin,” saad ni Konsehal Mikee.

So pasyal kayo sa Lipa City sa Batangas upang maranasan ang handog ng Batangueño sa BarakoFest 2025, huh!

VILMA SANTOS-RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with