Andi at Fiance, paandar sa puso ng saging
Matapos mag-drama sa social media...
May mga hindi kinilig sa para sa kanila ay Valentine’s Day paandar ni Philmar Alipayo nang bigyan ng bouquet of flowers si Andi Eigenmann na ang centerpiece ay puso ng saging na ipinakita pa sa video kung paano kinuha ang puso ng saging sa puno nito.
In all fairness, hindi masisita si Philmar ng mga environmentalist na hate ang plastic products dahil ang ginamit nitong pambalot sa Valentine’s Day gift ay dahon ng saging.
Ang caption ng surfer sa kanyang post ay “Bahala saging basta kinasing kasing” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “Okay lang kung saging basta galing sa puso.”
Nakunan din ng video si Andi na masayang-masaya nang tanggapin ito mula sa partner kung saan nag-lunch pa sila.
Kaya lang, hindi natuwa ang netizens, pagkatapos daw nilang guluhin ang tao sa mga drama nila, heto at sweet na ulit sila.
May nagtanong pa kung nakarating na kay Philmar ang message sa kanya ni Derek Ramsay? Tanong naman kay Andi kung ano ang reaction niya sa cryptic post ni Ellen Adarna na obvious daw na para sa kanya.
May nangumusta naman kay Pernilla Sjoo dahil nabanggit ni Derek na lubhang nasaktan ang kanyang kaibigan at hindi na lumalabas ng bahay.
Sana, pagkatapos bigyan ni Philmar ng banana bouquet si Andi, matigil na ang pamba-bash kay Pernilla. Baka ang mangyari, umalis ito ng Siargao dahil sa sama ng loob at bumalik na lang sa Sweden.
Andrea, gustong tularan si Bea
Nangangamba ang fans ni Andrea Brillantes ngayong wala na siya sa Star Magic at si Shirley Kuan na ang kanyang manager, ilipat siya nito sa GMA Network. Si Shirley Kuan ang manager ni Bea Alonzo.
Kahit nabanggit ni Andrea na sa Star Magic lang siya umalis at mananatili pa rin siya sa ABS-CBN at kahit kasama na siya sa cast ng Batang Quiapo, may takot pa rin ang fans ng aktres.
Anyway, kahapon, nag-meeting sina SK at Ms. Cory Vidanes ng ABS-CBN at siguradong isa ito sa kanilang napag-usapan, ang hindi siya alisin sa ABS-CBN.
Marian, sunud-sunod ang unboxing ng mga regalong luxury item
Hindi lang gift from Dingdong Dantes ang natanggap ni Marian Rivera kahapon, Valentine’s Day, nakatanggap din siya ng Bulgari Serpenti Cuore 1968 top handle from the Italian fashion house.
Ipinakita ni Marian ang bag nang mag-unboxing siya sa kanyang Instagram Story. Mula ito sa Bulgari Philippines na gawa sa calf leather at snake body-shaped chai. Worth P236,320 daw ang bag kung bibilhin at based sa current exchange rates.
Naalala ng fans niya, last week, may unboxing din siya ng gift naman for the Chinese New Year from Fendi.
Wala pa palang balita kung ano ang Valentine’s Day gift ni Dingdong sa misis at kung saan sila nag-celebrate ng special na araw sa mga mag-asawa at magdyowa.
- Latest