Mark Leviste at jowang Kapuso, nag-valentine date sa Hong Kong
Parang bumata ang hitsura ni outgoing Batangas Vice Governor Mark Leviste.
In love siya ngayon sa mas batang girlfriend - Sparkle artist Aira Lopez.
At ang date nila kahapon, Valentine’s Day, sa Hong Kong.
Umalis sila kahapon ng hapon, para raw pagdating sa Hong Kong eksaktong dinner, ayon kay VG Leviste, sa isang chance chikahan sa ginanap na Barako Fest sa Lipa, Batangas.
Very open na sila sa kanilang relasyon.
Simpleng “happy birthday” lang naman ang nabanggit niyang mensahe para kay Kris Aquino na nag-celebrate ng 54th birthday kahapon. Wala ring paramdam si Kris sa social media para sa kanyang birthday.
- Latest