^

PSN Showbiz

Sexy star, may bagong rebelasyon sa ginawa ni Jak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sexy star, may bagong rebelasyon sa ginawa ni Jak!
Jak Roberto

Hindi pa rin tapos ang isang Vivamax sexy star na nagngangalang Ava Mendez tungkol sa diumano’y nangyari nang malasing noon ang aktor na si Jak Roberto.

Maalalang nag-viral noong taong 2023 ang mga litrato at video nila na spotted na magkasama sa isang party.

Nilinaw niya noon na naging touchy at aggressive ang ex ni Barbie Forteza nung nalasing sa event.

Sinabi niya pa na parang normal na makulit lamang ito nung nakainom at binigyan lamang ng malisya ng mga nakakita sa kanila.

Kwento niya noon na dahil nga sa sobrang bangag na nito sa kala­singan ay may mga nakakita sa kanila na parang niya­yakap na siya nito dahil hilo na raw ito. Para raw sa fan na nakakita ay parang hinahalikan na siya nito na wala naman daw ganung nangyari pero ngayon ay may dagdag na naman sa kwento ang Vivamax star.

Nagpupumilit daw ang aktor na pumasok sa kwarto nila sa hotel habang karelasyon pa nito si Barbie.

Napapansin na raw ng mga kapatid niya ang pagdikit sa kanya ng aktor na panay naman daw ang iwas niya dahil bagsak na siya sa kalasingan.

Gusto pa raw nitong mag-inom at pinipigilan diumano ito ng mga kapatid ng sexy star at naipit pa raw ang kamay nito sa pinto.
Nangyari rin daw talaga ang pagyakap-yakap sa kanya nito noong magkakasama sila sa isang kwarto na kinairitahan niya talaga at gusto na raw niya itong bugbugin. Ayaw lamang diumano niyang mag-eskandalo dahil nahihiya raw siya sa birthday celebrant.

Hindi rin daw siya nakatanggap ng apology sa aktor at masama pa raw ang loob niya sa pagtawag sa kanyang pa-victim.

Komento naman ng mga netizen ay bakit daw paulit-ulit na lang ang kwento ng sexy star na ito na hindi ko kilala sa true lang. May nagchika lang sa akin.

Ngayon ay tinatawag siyang clout chaser ng mga ito.

‘Kaloka sila.

Bahala sila sa buhay nila. Hahaha.

JAK ROBERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with