^

PSN Showbiz

Sandro, pumalag sa pagka-dismiss ng act of lasciviousness

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sandro, pumalag sa pagka-dismiss ng act of lasciviousness
Sandro Muhlach

Kaagad na napabalita ang pagkabasura ng kasong 2 counts of Acts of Lasciviousness na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz. Na-dismiss ito dahil sa na-grant ng korte ang Motion to Quash na isinumite ng kampo ng mga akusado noong Jan. 9, 2025.

Ang paliwanag sa korte ng Metropolitan Trial Court ng Pasay City, “overkill” na raw ito dahil sa kasong Rape Through Sexual Assault na nasa Regional Trial Court naman ng naturang lungsod.

Doon sa resolution ay nakasaad na: “The Supreme Court categorically held that ‘acts of lasciviousness or abusos dishonestos’ are necessarily included in rape.”

Dagdag pa roon sa resolution; “Indeed, the acts of lasciviousness being complained of before this court are necessarily included in the charge of rape before the RTC. Again, the prosecution resorted to an ‘overkill’ by filing the instant Informations of Acts of Lasciviousness when clearly the acts are constitutive and/or simultaneous and are deemed absorb in the rape case with the alleged sole intent and purpose of arousing and ultimately gratifying the accused own sexual desires.”

Hiningan namin ng reaksyon ang kampo ni Sandro Muhlach, pero ayon kay Atty. Czarina Raz, hindi raw nila hawak itong sa MTC at ‘yung kasong Rape ay nasa DOJ na.

Sinubukan din naming hingan ng reaksyon si Niño Muhlach, pero hindi pa siya sumasagot.

Umalma si Sandro Muhlach sa ilang naglabas ng balita, na ang naka-title ay na-dismiss ang kaso nito laban sa dalawang independent contractors.

Nag-react siya agad at ipinost niya ito.

Sabi niya, “Medyo misleading title niyo. Pay attention to what’s written.”

Pero sabi ng ilang abogadong napagtanungan namin, kapag na-grant na raw ang Motion to Quash hindi na ito maaapela.

Nag-submit na rin sina Nones at Cruz ng Motion to Quash sa Rape case, at hinihintay na lang nila ang resolution nito.

Mon Confiado, takot magbigay ng info sa Pepsi Paloma movie

Maingat si Mon Confiado sa mga pahayag niya kaugnay sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma na hanggang sa ngayon ay walang katiyakan kung maipalalabas ito sa mga sinehan.

Nakatsikahan namin siya sa Viva Café noong Miyerkules, sa media conference ng pelikulang Lilim ng Viva Films.

Ayaw niyang magkomento tungkol sa kuwento ng pelikulang Pepsi Paloma. Pero siyempre inalam daw muna niya pati ang co-actors niya kung ano ang kuwento nito.

“As an actor dapat alam naman natin ang istorya ng ating gagawin. Very professional naman kami, si direk Gina Alajar naman siguro ay hindi magso-shooting kung hindi niya alam ang takbo ng kuwento, same as ibang actors, si Ms. Shamaine (Buencamino), si Rosanna Roces at iba pang cast.

“Siyempre, as professional alam namin ‘yung istorya. Pero kung papa’no ipo-promote ni direk hindi namin alam ‘yun,” pakli niya.

Sinundan namin ng tanong kung safe ba naman ang kuwento nito, na walang masasagasaang ibang tao lalo na sina Tito, Vic and Joey.

“Hindi ko pa muna sasagutin. Gusto ko lang mag-ingat. Gusto ko lang maging safe, kasi talagang napakahirap ng sitwasyon ng pelikulang ito. Baka hindi dapat sa akin manggaling ang information,” dagdag niyang pahayag.

Marami namang pelikula si Mon at dito nga muna siya naka-focus sa promo nitong horror movie na Lilim na magso-showing na sa March 12 na obra ni Mikhail Red, at kasama niya rito sina Heaven Peralejo, Eula Valdez, Ryza Cenon at Gold Aceron.

 

SANDRO MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with