Gabbi, gustong maging housemate si Barbie

Gabbi Garcia

Simula March 9 ay mapapanood na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Isa si Gabbi Garcia sa mga magiging host ng pinakabagong edisyon ng PBB kasama sinaBianca Gonzalez at Robi Domingo. Hanggang ngayon ay halos hindi makapaniwala si Gabbi na magiging bahagi na ng naturang reality show. “Until now I’m still overwhelmed. People are constantly asking me, talking to me they are also curious about what’s gonna happen. Ako lang talaga, I’m very, very grateful that I’m assigned to this task. Siyempre, PBB has always been a childhood dream for me. I’m excited also to discover that side of myself kasi dito sa PBB, it’s more of your authenticity as a host,” nakangiting pahayag ni Gabbi sa GMA Integrated News Interviews.

Taong 2012 nang mag-audition si Gabbi sa Pinoy Big Brother Teen Edition pero hindi pinalad na makapasok sa Bahay ni Kuya. Kung mabibigyan ng pagkakataon ngayon ay nais masubukan ng dalaga na maging isa sa mga housemate ng PBB House. “Eh nag-audition nga ako dati. So, gusto ko talaga mapasok diyan. But as of now, the task is to host. So, I wanna make sure I do a pretty good job. And let’s see where this task takes me. I’m up for anything.”

“Happy lang ako na, you know, eventually God made the path for me and ito pala ‘yon. Kaya pala di-nelay Niya nang konti kasi inaayos Niya pa. Sabi ko nga eh, ‘My 12-year-old self must be so proud.’ Iiyak ‘yon ‘pag nakita niya ako ngayon. Twelve-year-old Gabbi knows how hard she worked for her dream. She’s also blessed that she has supportive parents. Ang laking factor niyan. I’m just really grateful and I hope I made my 12-year old self proud,” pagbabahagi ng Kapuso It Girl.

Para sa pinakabagong host ng PBB ay magiging mas masaya ang Collab Edition kung magiging Housemate din ang kapwa-Kapuso star na si Barbie Forteza. “Si Barbie, we always see Barbie’s Primetime Princess side, as an actor ‘di ba? I’m pretty sure people wanna get to know her in a deeper level,”paliwanag ni Gabbi.

Maaari rin umanong maging housemate ang kasintahan ng aktres na si Khalil Ramos. “Kung pinapatawag siya ni Kuya, wala tayong magagawa pero feeling ko game din ‘yun,” dagdag pa ng dalaga. 

Alden, wish makatrabaho si Heart

Napapanood nang muli si Alden Richards sa All-Out Sundays sa GMA. Sa ngayon ay hindi pa sigurado ang aktor kung magtuluy-tuloy ang kanyang trabaho tuwing Linggo para sa programa. “Masaya, nakaka-miss din. And tingnan natin kung kakayanin natin na makabalik ako as regular. Pero sa ngayon I really enjoy, ayaw ko naman sabihin guesting. Kasi isa tayo sa mga nag-launch nitong show. It’s really good to see everybody,”paglalahad ni Alden.

Noong Linggo ay ipinagdiwang ni Heart Evangelista angkanyang ika-40 na kaarawan sa All-Out Sundays. Isa si Alden sa mga nag-alay ng kanta para sa aktres. “It’s nice to see her again. I’m looking forward, sana magkaroon kami ng work together,” nakangiting pahayag ng Kapuso actor. — Reports from JCC

Show comments