^

PSN Showbiz

John at misis, nagkaayos para sa anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
John at misis, nagkaayos para sa anak
John, Anechka at Priscilla

Ang bongga naman ng dating mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles na magkasama sa 13th birthday celebration ng daughter nilang si ­Anechka.

Ipinost ni Priscilla ang mga photo nila sa birthday party ni Anech­ka at makikitang lutang ang saya nila kung saan present nga ang aktor.

Mukhang nagkasundo nga ang dalawa para sa anak nila.

Mahaba ang caption ng Brazi­lian model na mensahe niya sa anak sa kanyang post.

Sumasabog daw ang puso niya sa saya at sa kaligayahan ng anak. Bilang nanay at all-time best friend ni Anechka ay wala na raw mas makakapagpasaya sa kanya kundi ang makita itong ngumiti.

Mahaba pa ang mensahe niya sa anak at lagi nga raw nitong tatandaan na palagi siyang magiging biggest cheerleader nito. 

Present nga rin sa party ang mga kapatid ni Anechka kay John na mga anak nito sa aktres na si Janice de Belen na sina Danielle, Inah at Yuan.

Napansin ng mga follower nila na bagets na bagets nga ang dating mag-asawa.

Nagbalik-alindog nga si Priscilla na mas sumeksi na ngayon matapos niyang karerin ang pagwo-workout kaya mas bumata raw itong tingnan ngayon.

Parang sinasabi nga raw nito sa ex na siya ang sinayang nito.

Pero napansin din ng mga netizen si John na nagpapabagets daw na binatang-binata ang pormahan. Habang ang mga basher ay sinabihan itong trying hard magpabata dahil parang pang-Backstreet Boys daw ang peg.

Napuri naman ang anak nilang si Anechka na pang-model at beauty queen daw ang height na mukhang mas matangkad pa sa mommy niya dahil naka-flats ito habang naka-heels ang mommy niya pero halos magka-height na sila.

Good for them. Pamilya nila ‘yan at tama naman na ayusin nila alang-alang sa kanilang anak.

 

JOHN ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with