Bagong isyu ng magdyowa ang pinag-uusapan ngayon – ang kuwento ng diumano’y pambubugbog ng dating boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa fiancée nitong si Jellie Aw.
Ang bugbog saradong mukha ng club disc jockey ang tumambad sa social media na kaagad na pinagpiyestahan ng mga netizen.
Pero nakakabit pa rin dito si Karla Estrada na tahimik lang sa ngayon.
May ilang kaibigan ni Karla ang tinanong ko pero ayaw naman daw nitong magsalita.
Hindi nga naman niya isyu ito, kaya hindi magandang tingnan kung sasawsawan pa niya ito.
Isang kakilala ko sa showbiz ang nakapalitan ko ng messenger, nang pumutok ang bugbugan issue nina Jam at Jellie, nag-react daw ang ilang kaibigan ng dating girlfriend ng kilalang aktor.
Si aktor ay tipong man of few words. Ngumingiti-ngiti lang ito at hindi matsika.
Mabait siya at napaka-gentleman, lalo na sa mga leading lady niya. Pero sabi sa amin ng kakilala namin, kaya raw nag-break itong si kilalang aktor at ang non-showbiz girlfriend niya dahil battered girlfriend pala si gurl!
Grabe rin kung manakit diumano itong si aktor sa non-showbiz girlfriend. As in physically, verbally at emotionally battered daw ang pobreng babae.
Nung una ay tinitiis daw ng girlfriend, pero hindi rin natagalan, nauwi sa hiwalayan. Hindi mo akalaing kaya nitong manakit ni kilalang aktor.
Aalamin pa namin kung ano talaga ang kuwentong nitong si kilalang aktor at ang dating non-showbiz girlfriend.
Beauty at JM, nganga
Ang daming pelikulang nagbukas kahapon na sumabay sa Captain America: Brave New World na first time na ginampanan ng isang black actor na si Anthony Mackie.
Na-curious siguro ang mga tao, kaya okay na rin ang takbo nito sa takilya. Ayon sa aming reliable source, as of 3 p.m. kahapon ay naka-P2M na ito. At ang tantiya nila, baka mahigit P10M ang kikitain nito sa first day of showing.
Sumabay pa dito ang dalawang local films natin, ang Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, at ang Paquil nina Beauty Gonzalez at JM de Guzman.
Unfortunately, hindi siya ganun kalakas. Ang sabi ng aming source, baka hindi pa raw sasampa sa P1M ang kikitain ng Ex Ex Lovers.
HInihintay lang daw nila kahapon kung magkakaroon ba ng block screenings sa gabi, para kahit papaano ay lalakas pa ito.
Kahapon din ang showing ng isang animated film na Buffalo Kids na dinistribute ng Nathan Films ng pamilya nila Sylvia Sanchez.
Michael, idi-date si Jillian sa Valentine!
Ang sweet ng Sparkle boys na dumalaw sila sa tanggapan ng PEP. Ph nung nakaraang Martes, para magbigay ng flowers sa mga tagaroon para sa Valentine’s day.
Dumating ang Mga Batang Riles boys na sina Raheel Bhyria, Anton Vinzon, Bruce Roeland, at ang leading man ng My Ilonggo Girl na si Michael Sager.
Tawa na lang nang tawa si Michael nang tinukso ulit namin siya kay Cassy Legaspi.
Tinanong namin kung may plano ba sila ni Cassy sa darating na Valentine’s Day.
May taping daw siya niyan sa My Ilonggo Girl kaya sila ang magkasama sa araw ng mga puso.
“As much as I can, I’ll enjoy it. It’s a day of love. Kung sino ang kasama ko sa set, I’ll enjoy it with Jillian (Ward), maybe my friends and families,” pakli ni Michael.
Pero puwede naman sa ibang araw kung maglalaan siya ng araw para kay Cassy.
“Siguro po, we’ll try get some dinner… spend time together. We’ll see, we’ll see kung ano ang mangyayari,” safe lang na sagot sa amin ng guwapong Kapuso actor.
Okay naman si Michael sa family ni Cassy. Super bait daw sa kanya sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Thankful si Michael sa suporta ng fans ng tandem nila ni Jillian.