^

PSN Showbiz

Ashley, hindi ramdam na mas matanda kay Mavy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ashley, hindi ramdam na mas matanda kay Mavy
Ashley Ortega

Kinumpirma ni Ashley Ortega na opisyal na silang magkasintahan ni Mavy Legaspi. Matatandaang ‘sweet’ umano ang dalawa nang magkasamang dumalo sa Sinulog Festival sa Cebu kamakailan. “I think it’s obvious naman na, yes!” nakangiting pagtatapat ni Ashley sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matagal nang magkakilala sina Ashley at Mavy pero noong isang taon lamang nagsimulang magkamabutihan ang dalawa. “Mga bata pa kami noon eh. I think when he started signing a contract sa Sparkle but we started ha­nging out more last year. Tapos doon ko talaga siya nakilala. It started na parang there was one night kasama ‘yung mga friends namin. So doon ko siya nakilala. Then nagtuluy-tuloy na, and then he asked out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then nagtuluy-tuloy na (sa panliligaw si Mavy),” pagdedetalye ng aktres.

Para kay Ashley ay na kay Mavy ang mga katangian na kanyang hinahanap sa isang lalaki. “Actually, si Mavy is really thoughtful and he’s also generous. Hindi naman ako magrandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever. Ano lang talaga more on conversational lang talaga,” giit ng dalaga. 

Mahigit dalawang taon ang tanda ng aktres kay Mavy. Hindi raw inakala noon ni Ashley na talagang magkakasundo sila ng aktor sa maraming bagay. “I thought before hindi niya mama-match ‘yung maturity ko. He’s younger than me eh. He’s actually mature. In our relationship ako nga ‘yung pabebe girl. He takes care of me, ‘yon ang napatunayan ko when we were going out. He’s a well-mannered guy,” paliwanag ng aktres.

Naipakikilala na si Ashley sa buong pamilya ni Mavy. Nakatrabaho na raw noon ng dalaga ang mga magulang ng nobyo na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. “They are very welcoming, Tito Boy. I worked with Tita Mina before. Nag-lock in ta­ping kami for two months. Si Tito Zoren also I worked with him before. He became my dad. But when me and Mavy were hanging out na, Mavy introduced me to them. Last December they invited me to a Christmas dinner. They’re very welcoming po. Mababait po sila, and Cassy (kakambal ni Mavy) also,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Ngayong Valentine’s Day ay may nakaplano na sina Ashley at Mavy kung paano ito ipagdiriwang. “May dinner kami. First time kong magkaroon ng Valentine’s Day, Feb. 14. I think it’s a first for me also to experience it. Kasi ‘yung mga past ko before, sablay lagi. ‘Yung una ko we broke up before Va­lentine’s Day. The second one was LDR, he was in the States. ‘Yung pangatlo naman, nasa lock-in ta­ping ako. Hopefully, sana hindi ma-jinx this Friday. Feeling ko naman matutuloy,” natatawang pahayag ng dalaga.

Samantala, wala naman daw isyu sa pagitan ni Ashley at dating kasintahan ni Mavy na si Kyline Alcantara. Kontrobersyal ang paghihiwalay ng dalawa noon. Ngayon ay si Kobe Paras naman ang bagong nobyo ni Kyline. “Actually, I was with her kasi nag-All Out Sundays kami. We’re okay, nag-‘hi!, hello!’ kami. We’re good naman, we’re all happy,” pagtatapos ni Ashley. (Reports from JCC)

ASHLEY ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with