^

PSN Showbiz

Mayor Vico, nawindang sa tanong tungkol kay Atasha!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, nawindang sa tanong tungkol kay Atasha!
Mayor Vico Sotto

Naloka si Mayor Vico Sotto sa matandang babae na nang-intriga sa kanya na nili-link siya sa anak ni Aga Muhlach na si Atasha.

Sa isang video na kumalat, nasa sasakyan ang anak ni Bossing Vic Sotto habang may matandang nakipag-usap sa kanya sa bintana.

Noong una ay tila may pinag-uusapan sila tungkol sa problema sa kanilang lugar na aayusin daw ni Mayor Vico pero naisingit pa ng matanda ang tanong kung nasaan daw si Aga.

Kitang-kita ang gulat ng mayor sa tanong lalo nang sabihin at ipilit ng babae na girlfriend daw nito si Atasha.

Mariing itinanggi ng pulitiko at diretsahan niyang sinabi na hindi raw niya kilala si Atasha.

Napaatras pa nga ito sa gulat at nawala sa video.

Marami kasing fake news na kumakalat tungkol sa dalawa na kesyo meron daw relasyon sila.

Nili-link ang dalawa dahil bagay na bagay raw ang mga ito kaya ginagawan sila ng kwento na parang nakakawindang na.

Noong nakaraang taon nga ay natanong din si Atasha tungkol sa kanila pero nagtataka rin daw siya kung saan nanggaling ang mga kwento dahil hindi pa naman daw sila nagkikita. Sina Danica at Oyo Sotto pa lang daw ang nakikilala niya sa mga anak ni Bossing noong mga panahong iyon.

Ang dami nga ring videos na kumakalat sa YouTube na nag-iimbento ng mga balita na pinaniniwawalaan lalo na ng mga matatanda na pinagkakakitaan ng mga content creator kuno.

Kaya talagang mag-iingat sa mga nababasa online o napapanood dahil napakarami talagang nagkakalat ng fake news.

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with