Aktor, tameme pa sa pagbubuntis ng karelasyong character actress!
Maganda ang project na inalok sa isang character actress, dahil magiging bida na siya rito. Pero tinanggihan niya.
Nagtaka ang production bakit hindi niya ito tinanggap. Sayang dahil puwede siyang mapansin dito.
Nalaman nila bandang huli na nasa interesting stage pala si character actress.
Sabi ng ilang kaibigan niya, tama lang dahil hindi na siya bagets. Ilang tumbling na lang ay papunta na siya sa pagiging matandang dalaga.
Wala pang asawa si magandang character actress. Wala rin kaming balita kung sino ang boyfriend niya.
Ngayon lang namin nalaman na sila pala ng magaling na aktor na nagwagi na ring Best Actor sa isang film festival.
Gumanda ang showbiz career ni aktor pagkatapos niyang nakatanggap ng isang parangal. Pero pagdating sa personal na isyu ay tahimik lang itong si aktor.
Kaya curious kami kung aaminin niya kaya sa publiko na magiging ama na siya?
Abangan na lang natin kung may pag-amin kay aktor dahil tahimik lang ngayon si character actress at hindi na siya nagpapakita sa publiko.
Kailangan niyang magpahinga at paghandaan ang kanyang panganganak.
Sen. Bong, ‘nanlibre’ sa concert ni Martin!
Kuwento ng isang kaibigang malapit kay Martin Nievera, nagulat daw siya pag-uwi pagkatapos ng Always and Forever concert nila ni Pops Fernandez na ginanap sa SM MOA Arena noong nakaraang Biyernes.
Binati siya ng mga kasamahan niya sa bahay dahil napanood daw nila ang concert nito. Nagtaka siya paano sila nakapanood e nasa bahay lang sila.
“Napanood po namin sa Facebook live ni Sen. Bong Revilla,” sagot daw sa kanya ng isang kasambahay niya. Hindi lang mga kasamahan ni Martin ang nakapanood sa FB live ng kanilang concert, kundi marami.
Magkasama sina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado na nanood sa SM MOA Arena, at ang sipag pala ng senador / actor mag-FB live na na-enjoy ng followers niya, dahil nakalibre sila ng concert.
Kuwento pa ng ilang kakilala kong nakapanood sa SM MOA, nakapagpa-picture pa sila kay Sen. Bong at natuwa naman daw sila dahil lahat sila ay pinagbigyan nito.
Mabuti nga raw at nagkaroon pa ng time na mag-date sina Sen. Bong at Cong. Lani dahil umpisa na ang kampanya sa Ilocos na tama namang fiesta pala sa Laoag City kahapon. Sinuportahan naman sila roon ni Manong Chavit Singson.
Lalong ginanahan si Sen. Bong mag-ikot dahil sa mainit na pagtanggap sa lahat na pinupuntahan niya. Nasa top 6 siya sa latest survey ng Pulse Asia Research.
‘Magic’ ni Herlene, bumaba
Maganda ang ratings ng pagtatapos ng Lilet Matias: Attorney-At-Law noong nakaraang linggo. Noong nakaraang Biyernes ay naka-8.2 percent ito at sa finale episode nito noong Sabado ay nakapagtala ng 8 percent.
Pati ang ilang mga afternoon drama ay mataas din.
Ang buong akala namin, tuluy-tuloy na ito sa pagsisimula ng Binibining Marikit ni Herlene Budol noong Lunes, Feb. 10.
Bigla namang bumaba ang viewership nung araw na ‘yun. Naka-6.2 percent lang ang rating ng pilot episode ng bagong afternoon drama ni Herlene Budol.
Medyo tumaas naman ang Prinsesa ng City Jail na naka-6.5 percent at ang Forever Young na patapos na rin ay 6.5 percent din.
Nabawasan na ba ng magic si Herlene sa mga televiewer?
Tingnan natin sa mga susunod na episodes kung mag-improve pa ang ratings nito.
- Latest