Heart, pasok sa top 5 ng Influencers of Haute Couture SS25

Winner na naman ang pagrampa ni Heart Evangelista sa katatapos na Paris Haute Couture Week. Pang-Lima pala siya sa The Top Influencers of Haute Couture SS25.
Ayon sa ranking ng Lefty’s Top 5 Key Voices, nakabuo siya ng higit sa $2.9M Earned Media Value (EMV), na patunay kung gaano kalakas ang impluwensiya niya sa social media, at kabilang sa mataas na traction ang kanyang mga rampa ay para ay sa luxury brands na Schiaparelli at Dior na pareho namang nakapasok sa Top 5 Brands ngayong season.
Nanguna naman sa listahan ang South Korean musician na si Jennie of Blackpink na humamig ng $16.85M.
Sumunod ang American influencer na si @kyliejenner na may EMV na $7.57M; na sinundan ni @sooyaaa__ ($5.01M) at Kendall Jenner ($3.67M) at si Heart na ang sumunod.
Sa totoo lang, inaabang-abangan ng madadatung na mga tita ang sinusuot ni Heart at silently, namimili sila ng mga nirarampa nito, ‘di na raw pino-post sa social media pero sinusuot sa mga event nila.
Anyway, 40 na this Valentine’s Day si Heart at ang dami nang nagbibigay ng party sa kanya.
- Latest