Julia ginawang memorable ang birthday ni Dennis

Pero fans inis sa screenshot post ng komedyante
Naging mas memorable ang nakalipas na birthday ni Dennis Padilla.
Ito ay dahil sa kanyang mga anak, sina Julia at Leon, na naalala siyang batiin sa kanyang kaarawan.
Nag-celebrate ng 62nd birthday ang komedyante noong February 9.
Ayon sa text ni Leon “Happy birthday Papa. God bless always” kasama ang praying emoji.
At ipinost nga ito ni Dennis at may caption na : “So happy for this message... Salamat anak... Love you Leon ”
“Happy birthday Pa, hope you have a good day and year ahead. Good health and more blessings,” text naman ni Julia.
Caption naman ng komedyante : “Dear juy... Ty for remembering... Miss you anak... Love you ”
Halos pareho ang sagot niya sa dalawang anak, niyaya ang dalawa na mag-dinner soon.
Wala pang screenshot post si Dennis kung ano ang sagot ng mga anak sa kanyang imbitasyon na dinner.
Nauna nang inamin ni Dennis, sa finale interview, para sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, kung saan natanong siya kung ok na ba sila ng mga anak niya? “Kasi gumawa naman ako ng greeting, ‘Merry Christmas,’ mga ganun. Tapos nag-record ako ng song para dun sa mga… nasa IG ko yun, e. Nag-record ako ng song para sa mga bata, ‘di ba?
“Wala, parang nag-e-expect, parang iniintay ko na reaction, ganun. E, parang nalungkot lang ako, kasi parang hindi na naman ako nabati ng Christmas saka New Year.
“E, pagka matagal na kasi, parang nasasanay na… nasasanay ka na pati. Parang di ka na masyadong nag-e-expect. Pero there are times pagka mag-isa ako, o kaya nagda-drive ako — nalulungkot pa rin pala ako.
“At saka pag nag-iisa ka, ‘yung parang sana maalala nila ako, ‘di ba, mabati ng Christmas o New Year. O kaya pag birthday, parang ganun.
“Tapos eventually, siyempre ie-erase mo na lang. Kasi malulungkot ka, e. So, ie-erase mo na lang. Sasabihin ko na lang, ‘Lord, baka siguro next year.’ Parang ganun. So I just ano, lagi ko naman silang ipinagdadasal.
“Na ang pinakaimportante, gusto ko lang lagi silang ligtas.
“Number two, gusto ko, lahat ng blessings na puwedeng pumasok sa buhay nila sa araw-araw, e, dumating. Lagi kong dinadasal talaga yon,” pagdidiin niya sa nasabing interview.
Ngayon at least, bumawi ang dalawang anak sa ex misis niyang si Marjorie Barretto. Bukod kina Julia at Leon, siya rin ang ama ni Claudia.
Pero iba rin ang epekto ng screenshot. Kaya naman sari-sari ang reaction ng followers nilang mag-aama sa ginawa ni Dennis.
Tho more on pinupuri sina Julia at Leon at naiinis kay Dennis dahil dapat daw ay hindi na niya ‘yun pino-post. Mas mabuti raw ginawa na lang niya itong pribadong bagay at hindi na nagagamit sa mga social media posting.
Well, importante, may pag-asang maging maayos ang lahat sa kanila.
- Latest