Kandila ni Sharon, nagdaming nag-mine

Ang daming nag-mine sa mga kandilang ginawa ni Sharon Cuneta na pinagkakagastusan niya ngayon.
Mamahalin kasi pati ang hitsura kaya naman daming gustong magkaroon nito.
Ayon nga sa post ni Sharon : “I poured six scented soy candles today. I stopped only because I ran out of wax! Two weeks pa before I can do a burn test and make adjustments,” umpisa niya.
At lagi raw siyang gumagastos pag gumagawa ng mga kandila : “ Always so excited doing this! I’ve also always spent so much on candles - once, I didn’t care how much the airline charged me for bringing a whole balikabayan box of heavy candles home with me from the States! Nako di na ako uulit,” pag-amin niya.
Ka-presyo na raw ng plane ticket (na tiyak na business class ang presyo) : “Halos isang MNL-LAX ticket na yata binayad ko! Never again. Pero they made me so happy for a long time! Now I can make my own na. Crazy over my new hobby! P.S. I took a U.S.-based on-line Candle-making Course! Aba hindi pala simple! May computations pa ng ilalagay! Pero happy!!! ”
Anyway, inaabangan si Sharon kung sasama siya sa kampanya ng mister na si former Senator Kiko Pangilinan. Ngayong araw ang simula ng kampanya ng mga kakandidatong senador at partylist.
Siksikan nga raw ang labanan sa senado at medyo kailangan nga raw mag-double time ni Kiko para tumaas sa survey at makasiguro ng pwesto sa ibobotong 12 senator sa May 12.
- Latest