^

PSN Showbiz

Puso ni Andi, dapat munang ipahinga!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Puso ni Andi, dapat munang ipahinga!
Andi Eigenman at mga anak
STAR/ File

Naloka ako sa kontrobersya kay Andi Eigenmann at karelasyon niya na ama ng mga anak niya -  isang surfer.

Naloka ako dahil hindi naman siya pogi, hindi rin naman mukhang mayaman pero ba’t ang gaganda ng mga babaeng nauugnay sa kanya.

Si Andi, sinayang ang career para tumira sa isla at magpaka-ina sa dalawang anak nila. Isipin mo  ‘yun. Samantalang pwede naman siyang mamuhay dito sa Maynila at mag-enjoy sa buhay dahil tiyak namang maraming naiwan ang namayapa niyang ina na si Jaclyn Jose.

Ulilang lubos na siya, naunang namayapa ang ama niyang si Mark Gil, at baka nga naghahanap siya ng sense of belongingness kaya talagang nagdesisyon siyang sa isla na lang mamuhay at maging ordinaryo.

Kilalang sopistikada ang pamilya ng kanyang ama, mga Gil habang mahusay na aktres ang ina niyang si Jaclyn.

Baka nga hindi pa si Philmar Alipayo ang tamang lalaki sa kanya.

Kung ako sa kanya, balikan niya ang showbiz at mag-laylow muna sa kanyang lovelife.

Hahaha. Well, opinyon lang naman ‘yan, ng isang lolang laging masama ang pakiramdam pero may oras makisawsaw sa mga intriga sa showbiz.

Reunion nila Marvin at Jolens, kapos sa ingay

Salve ba’t ganun, may palabas raw pelikula sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal? True ba ‘yun?

Wala kasi akong nababasa na may natapos na silang pelikula?

Alam mo naman ako traditional ang attitude, hindi ako umaasa sa mga nasa social media, sa dyaryo ako nagbabasa.  Kaloka.

Iba na talaga ang panahon ngayon noh.  Parang inililihim na ang pelikula dahil ang thinking yata nila, kikita rin naman sila sa streaming platform at malamang kasama na ‘yun sa computation ng kanilang kita.

Basta wish ko na kumita ang pelikula nila Jolens kahit ‘di naman kami close at hindi ko talaga namalayan na meron silang reunion movie.

ANDI EIGENMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with