Dolly De Leon, hurado sa Oscars

Bongga ang pinay actress...
Isa pala si Dolly de Leon sa mga hurado sa 97th Academy Awards o Oscars.
Miyembro ang premyadong aktres sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) na siyang nangangasiwa sa Oscars o Academy Awards.
Bago siya bumalik ng bansa ay bumoto raw muna siya, dahil sa March 2 na ang awarding nito na gaganapin sa Dolby Theatre ng Hollywood.
Hindi niya puwedeng sabihin siyempre kung sino ang mga binoto niya. “I can’t tell you who I voted for kasi I’m not allowed to do that,” pakli ni Dolly de Leon na isa sa nanood sa preview ng stageplay ng Ideafirst na Anino sa Likod ng Buwan.
Bumoto raw siya sa major categories nito, kagaya ng Best Picture, Best Actor, Actress, Director, at iba pa. “Sa acting branch, pati sa film branch. So pati yung… actually, lahat. Lahat, lahat nung… pero ‘yung initial vote kasi, ‘yung para makapasok, ‘yung actors lang talaga ang puwedeng botohin,” dagdag niyang pahayag.
May website daw ang Academy at doon daw siya nagpe-preview. Mga 25 films daw ang pinanood niya na talagang may laban sa Oscars.
Na-enjoy raw niya kahit medyo nakaka-stress. “Kasi kailangan mo talagang panoorin, e. And then even if mahirap panoorin yung pelikula, kailangan mong tapusin. May mga ganun,” dagdag niyang pahayag.
Sylvia, maraming natutunan sa MMFF
Pagkatapos nabigyan ng R16 at R18 ang pelikulang Topakk ng Nathan Studios noong Metro Manila Film Festival, ngayon naman ay pang-wholesome ang mga susunod na pelikulang ipalalabas nila.
Bukas, February 12 ay isu-showing na ang isa sa animated films na nabili nila sa Cannes International Film Festival, ang Buffalo Kids.
Binigyan ito ng Rated PG ng MTRCB, dahil talagang pambata siya at maganda ang mensaheng ipinarating nito.
Sa totoo lang, hindi kami nabagot at talagang natapos namin ang pelikula sa special screening nito sa Cinema 12 ng Gateway noong nakaraang Linggo.
Na-enjoy ng mga bata, pati ang mga matatanda.
Sabi ni Sylvia, ito na raw ang advocacy ng Nathan Studios, mga pambata na nagbibigay ng magandang aral ang mga pelikulang ipalalabas nila.
After Topakk, Metro Manila Filmfest, R18, R16, ng “Yung mga dini-distribute ng Nathan…kasi ngayon nandun kami sa may advocacy ang Nathan Studios na pag nagpapalabas talagang may aral na makukuha. Like eto Buffalo Kids, special naman ‘to, special child naman to, tapos yung mga batang mga orphans, alam mo ‘yung ganun.
“Sa susunod naman mga nanay, mga lola, yung ganun. Iba-iba. Iba yung genre, actually meron kaming horror. Kasi pupunta lang naman ako sa ibang bansa, maghahanap ako ng puwedeng ipalabas dito, so makakapamili ka. Pag nagandahan ka, bibilhin mo. Pag tingin mo papatok dito, e di kunin mo, choice mo,” pakli ni Sylvia nang nakatsikahan namin sa Gateway nung Linggo.
Sabi pa ni Sylvia, pursigido rin daw ang Nathan sa pagpo-produce ng mga pelikulang wholesome na pambata.
Marami raw silang natutunan sa nakaraang MMFF, at tuloy pa rin daw sila sa pagpo-produce.Inaayos na nga raw nila ang isasali nila sa susunod na MMFF. Ayaw lang niyang idetalye muna, basta pambata raw ito. “Gigiling na ang Nathan Studios ulit, pang MMFF. Ngayon yung Topakk, R18, R16 kami…kasi yung Topakk was intended yun abroad. Sinama lang namin dito sa Metro Manila Filmfest. Sinubukan namin, tinry and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan.
“Tapos ngayon siyempre, hindi naman puwedeng sa isang laban lang susuko ka, dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka ‘di ba?
“Parang maging maayos yung pagsali mo sa MMFF. Saka hindi lang yun. Yung mga ipapalabas mo rito, ang daming learnings dun, so maa-apply mo rito kahit hindi sa Metro Manila Filmfest,” saad pa ni Sylvia.
Makulay ang buhay ni Sylvia, bago niya na-achieve ang ganitong tagumpay. Gusto ba niyang isapelikula ang kuwento ng buhay niya?
“Hindi! Huwag ayoko! Kasi kung gustuhin ko man, maraming ahhh masasagasaan, so huwag na lang. Saka nakapagpatawad na ako, okay na yun. Okay na yun, masaya na sa akin,” mabilis na sagot ng premyadong aktres.
“Walang katapat na halaga yung nakapagpatawad ka. Yes! Huwag na, marami namang masasaktan.
“Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. Talagang…e huwag na huwag na. Actually, matagal na akong kinukuha pero huwag na, huwag na. Kasi may peace of mind na ako,” dagdag niyang pahayag.
- Latest