Juday, naimpluwensiyahan ng nanay

Malaki ang naging impluwensya kay Judy Ann Santos ng inang si Carol Santos. Bata pa lamang ang aktres ay nagtrabaho na sa Canada ang ina upang itaguyod ang kanilang pamilya. Bunso si Juday sa tatlong magkakapatid at bata pa lamang siya nang magkahiwalay ang mga magulang. “I think mommy Carol ‘yung inspiration naman in working really hard really came from my mom. The motivation to work hard was for her to come home and stay here with us. ‘Yon talaga ‘yung una kong naging motivation no’ng bata ako. Kaya lang naman talaga siya umalis to go to Canada, to provide and mapag-aral kami, and all,” pagbabahagi ni Judy Ann sa BRGY show ng The Filipino Channel.
Sa mahigit tatlong dekada na pagiging isang artista ay marami na ring naipundar ang premyadong aktres. Naibigay na raw ni Juday kay Mommy Carol ang lahat ng kanilang mga pinapangarap lamang noon. “Nakabili na ako ng bahay, may negosyo na si Mommy. May kotse na rin ako, nakabili na ako ng ilang porperties. ‘Yung ibang properties na in-acquire ko, kasama ko pa siya, ‘yung mga tumitingin. Parang na-fulfill ko ‘yung mga promises ko kay Ma. Ngayon, go and travel hangga’t kaya mo pa, hangga’t gusto mo, go. Just tell me kung saan, bigyan mo lang ako ng time mag-ipon,” nakangiting kwento ng aktres.
Super tekla, baliw sa pag-ibig
Ngayong buwan ng pag-ibig ay naibahagi sa amin ni Super Tekla kung paano siya magmahal. Ayon sa komedyante ay talagang ibinibigay niya ang lahat sa kanyang iniibig. “Sa pag-ibig, Tito Boy, sobrang baliw ako. Kumbaga, stick to one lang ako, sobrang baliw ako, willing to loose everything,” nakangiting pahayag sa amin ni Super Tekla sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hanggang ngayon ay may mga nadududa pa rin umano kung tunay lalaki ang komedyante. “May mangilan-ngilan, sabi nila, ‘Ano ba talaga ang identity mo?’ Dati kasi, Tito Boy, nagpanlalaki ako (na bihis), para akong mag-aayos ng aircon. So nagpe-perform ako, ‘Huh? Performer ka?’ Hindi siya talaga nag-ano (click). Lumabas ‘yung karakter ko no’ng nag-dress up ako ng girl. So, in-embrace ko ‘yon. But I’m totally guy, straight,” giit niya
Isang sikreto rin ang naibahagi ni Super Tekla sa aming programa. Lingid sa kaalaman ng lahat na pambabaeng underwear ang ginagamit ng komedyante. “Siyempre para mag-tight, kasi medyo loose ang brief eh, sa work natin. Oo, sa set lang naman eh,” natatawang pagtatapat ng komedyante. — Reports from JCC
- Latest