Iza ayaw munang mag-teleserye; may opinyon sa sapawan ng eksena nila ni Dimples!

Mutual respect ang pinairal nina Iza Calzado at Dimples Romana sa pelikulang The Caretakes na mapapanood na sa mga sinehan this Feb. 26 kaya walang sapawang naganap sa kanilang mga eksena.
Common knowledge ang husay nilang dalawa kaya may nag-isip na baka may pagalingan sa mga eksena.
Pero pareho sila ng mantra na “There are no small parts, only small actors.”
Ayon nga kay Iza : “And there’s a Stanislavski quote. And I’ve always believed in that. I mean, andami ko nang ginawang pelikula, I’ve played so many roles. My answer to this is, apart from your answer (referring to Dimples), which I also believe in, and thank you so much for the respect. I just highly appreciate it. I believe in just doing your work, without its intention. Hindi ako nag-iisip na pagdating sa set.. my intention is never to make sapaw. It is never to outdo anybody, rather to do my job. Because once that is your intention (sapaw), you are not an artist,” una niyang paliwanag.
Dagdag pa niya : “For me, you’re not doing your job. You’re in this too much ego; we all have ego. And that’s healthy, but not too much. ‘Yun sasabihin mo dapat mas magaling ako dapat. Susmio, nakakapagod po ‘yun.
“Hindi ko na talaga kaya ang ganung pagod sa buhay ko talaga. At sa tingin ko naman na kaya tayo tumagal ng ganito sa industriyang ito dahil din sa ganyang mindset, do your job well, and be as generous as you can. If your co-actor is not as generous, don’t get offended,” katuwiran ng award-winning na si Iza.
Sabi naman ni Dimples : “Una, marami na akong trabaho na kasama ang mga beterano at mga malalaking star kung calibration ng mga expert ang pag-uusapan. I think natutunan ko po ‘yun kasi, I remember, I’m always the best friend, and I’m also always the mother of the child star. I’m always there to support, so alam ko ‘yung pakiramdam ng supporting somebody. And, you know, at the end of the day, bilang artista, the way to answer that question is really mutual respect. This is my space, and that is yours.
“At the end of the day, tungkol pa rin ito sa respeto sa isa’t isa.”
Samantala, inamin ni Iza na ayaw muna ulit niyang gumawa ng teleserye dahil sa daughter nila ng mister na si Ben Wintle.
“Sometimes you don’t know how long the long-term is. So at this point, because of Deia — who just turned two years old — unless you give me a very compelling project, hindi po pa ako makakabalik muna sa teleserye.
“Just at this point. Because I really would like to give most of my time to Deia,” sabi niya sa nasabi pa ring interview.
“So, siguro po, inasmuch as I do miss teleserye — at saka pinakaano pala sa akin ‘yung may makakasalamuha ka, may mami-meet kang mga tao, tapos sasabihin, ‘Kailan ka babalik?’
“I have never felt that na parang… a sense of almost like a responsibility to entertain,” pahayag pa ng actress.
Ang The Caretakers ay dinirek ni Shugo Praico para sa Regal FIlms and Rein Entertainment na mapapanood in cinemas nationwide sa Feb. 26.
- Latest