^

PSN Showbiz

Nagpasaklolo na sa abogado... Karylle, napagkamalan na namang buntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nagpasaklolo na sa abogado... Karylle, napagkamalan na namang buntis
Karylle

Nagsalita na ang It’s Showtime host na si Karylle matapos kumalat ang fake news kuno na buntis na siya sa panganay nila ng mister na si Yael Yuzon.

Sa kanyang podcast ay kinuwento ng anak ni Zsa Zsa Padilla na marami raw ang naniwala sa fake news na buntis na siya.

Ikatlong beses na raw ito ngayon na kumalat ang tungkol doon at useless na nga raw ang pagde-deny niya sa pagkakataong ito.

Mas pinaniniwalaan nga raw ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan kaya kahit itanggi pa raw niya ay hindi na naniniwala ang mga ito.

Kaya heto at diretsahan niyang sinabi na fake news lamang iyon.

Tanong nga niya paano nga raw ba mapipigilan ang pagkalat ng fake news gayung hindi naman daw iyon ang klase na nakakasira sa karakter niya.

Sumaklolo na nga siya sa eksperto na gaya ni Atty. Kim Henares na dati ring BIR commissioner.

Hindi nga raw niya alam ang mararamdaman sa mga taong bumabati sa kanya sa pagkakaroon ng anak na hindi naman totoo.

May pagkakataon pa raw na may nakasalubong siyang tumawid sa isang pedestrian lane na masayang binati siya sa pagbubuntis kaya hirap daw siyang sabihin doon na wala iyong katotohanan. Pero nang ipinaliwanag daw niya roon ay hindi siya pinaniwalaan nito dahil napanood daw nito sa Facebook.

Kaya naloka raw si Karylle. Nawalan na raw siya ng kontrol sa sariling narrative.

Ayon sa abogado, sa legal na paraan ay wala raw magagawa si Karylle roon at tanging magagawa nito ay itanggi ang fake news.

Kaloka. Baka naman kasi akala nila 25 years old lang si Karylle na hindi nagkakalaman at napagkakamalang buntis ang puson na karaniwang problema ng mga babaeng nagkakaedad. Lahat naman kasi ganun. ‘Pag nagkakaedad, tumataba at dahil wala pa silang anak ng mister na bokalista ng banda ang simpleng paglaki ng puson akala ay tiyan na at may baby na.

Kaya maling sabihing fake news ‘yun in a way.

Baka pwedeng magdamit si Karylle ng hindi duster o kaya magpapayat siya para hindi siya mapagkamalang buntis.

Para sa akin iba ang fake news kesa sa napagkamalan lang siyang buntis dahil hindi flat ang tummy niya.

Kaya ang solution, papayat siya. O kung nagvi-video siya explain niya agad na maluwag lang ang damit niya pero hindi ‘yun maternity dress. ‘Kaloka.     

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with