Korina, uusisain ang mga celeb na sasabak sa pulitika!

MANILA, Philippines — Usapang showbiz at pulitika sa Korina Interviews Weekend na naman kaya sure ball na very very fresh ang latest episode nito this Sunday evening, Feb. 9, 6 p.m. on Net25.
Certified hot topic ang pulitika dahil sa 2025 elections kaya dapat usisain ang mga kandidato. Kaya naman ang mga makakachikahan ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ay ang mga dating nasa mundo ng showbiz na sasabak sa mundo ng pulitika.
Marissa del Mar-Magsino at David Chua; Art Yap at Joy Ortega...from glitz and glamor to public service?
Ano ang alok nila sa publiko?
At ano ang sagot nila sa maaanghang na tanong ni Koring?
Usapang showbiz at pulitika! Tutok na sa Korina Interviews pagkatapos ng romantic-comedy na Goodwill only on Net25.
- Latest