^

PSN Showbiz

Andrea, ilusyon ng miyembro ng US medical team sa military exercises

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, ilusyon ng miyembro ng US medical team sa military exercises
Andrea Brilliantes.
STAR/ File

Hot babe talaga si Andrea Brillantes kahit sa mga afam.

Head over heels daw ang ilang miyembro ng US medical team na ka-join sa military exercises sa bansa. More than 2,000 American troops at Filipino soldiers ang sumali sa island-based exercises sa amphibious landings, live fire at humanitarian assistance ng Philippine Marine Corps last October.

Ilusyon daw talaga ng ibang miyembro nito ang sexy actress lalo na raw ‘pag nakikita ang billboard ni Andrea sa EDSA.

Kaya naghanap pa raw ng Pinoy konek ang nasabing mga Amerikanong doktor.

Bongga na ‘yun. Good catch kung sakali. Doktor na afam.

Pero kasaluyan na raw nasa US ang mga ito pero excited daw bumalik ng Pilipinas para makilala talaga si Andrea.

Ex ni Andrea ang cager na si Ricci Rivero na hindi maganda ang naging ending.

Anyway, nauna nang inamin ni Andrea na may mga suitor siya at handang ma-in love sa tamang lalaki.

Sa press conference ng Star Magic Spotlight kamakailan, tinanong si Andrea kung may mga suitor ba siya lalo na’t tinanghal siyang pinakamagandang babae ng Independent Critics na TC Candler sa buong mundo.

Aniya, before pa naman ng kanyang Most Beautiful award, mayroon naman talaga siyang mga manliligaw. Pero hindi raw siya talaga nakaka-focus doon, katulad last year, like, inaamin daw niya na, ‘Sorry, pero I don’t really date o like ganyan ‘yung hinahanap ko’,” sabi niya kung ba’t hindi agad siya nakipagrelasyon.

Pero this year ay handa na raw ulit siyang ma-in love. “Sabi ko rin naman kasi, ‘yung nagdarasal ako kay Lord, may prayers ako na, ‘Lord, actually I think na nakapag-heal na ako, not hundred percent because nobody has been a hundred percent healed.’”

ANDREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with