Dahil sa trauma... Herlene, ayaw ma-in love kay Tony

Kasunod ng tagumpay ng kanyang debut series na Magandang Dilag, magbibida si Herlene Budol sa pinakabagong GMA Afternoon Prime, ang Binibining Marikit.
Ginagampanan ni Budol ang papel ni Marikit, isang matalino at malakas ang loob na miyembro ng Dumagat Remontado na katutubong tribo. Bilang isang tour guide para sa travel agency ng kanilang pamilya, natagpuan ni Marikit ang kanyang sarili sa gitna ng labanan upang protektahan ang lupain ng kanilang ninuno mula sa mayayamang land developer.
Ang kuwento ay sumasalamin din sa kanyang mga personal na pakikibaka, kabilang ang pagkawala ng kanyang ina at online romance na hindi mangyayari.
Kasama niya sa Binibining Marikit sina Pokwang, Tony Labrusca, Kevin Dasom, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras and John Feir.
Aniya, mas improved na siya rito bilang isang actress base sa mga natutunan niya sa Magandang Dilag. “Ang dami kong natutunan sa Magandang Dilag, at siniguro kong itama ang mga pagkakamali ko noon dito. Dahil bago pa lang ako, pinag-aralan ko talaga ang bawat karakter. Habang magkaiba ang Magandang Dilag at Binibining Marikit, pareho sila ng puso,” aniya sa ginanap na mediacon ng series last week.
Sabi pa niya, mas magaan ito, kesa sa una niyang ginawa. “Kung ikukumpara sa Magandang Dilag, medyo magaan ang Binibining Marikit, pero ang karakter ay nagdadala pa rin ng matinding emosyon. Ang mga usapin sa pamilya ay laging malapit sa akin, kaya sa seryeng ito, mas marami kang makikitang puso, at mga emosyong diretso sa puso,” dagdag pa ni Budol na hindi naman nawawala ang pagiging kikay.
Sa pagiging hit ng Magandang Dilag, inamin ni Budol na nakaramdam siya ng pressure na pantayan ang tagumpay nito. “Minsan iniisip ko kung suwerte lang ba ang tagumpay ko sa Magandang Dilag. Marami akong pagdududa — kung magagawa ko pa ba ito at kung tatanggapin pa rin ako ng mga tao. Ang Magandang Dilag ay parang nag-audition ako sa GMA, at ang mabigyan ng isa pang project sa Binibining Marikit ay malaking tagumpay na,” sabi pa ni Herlene.
Ito naman ang unang pagkakataon ni Tony sa GMA 7. “So far, working with Herlene has been a joy. It’s my first time working with a lead actress who brings so much energy to everyone on set. She does double the work.
“We come to work and do our best, but I’m happy that the set has this kind of energy na very light and supportive,” pahayag ng actor.
Pero nangako si Herlene na hindi na siya mai-in love sa ka-partner.
“Ayaw ko magsalita nang tapos. Pero, ayoko rin maulit ‘yung trauma na binigay sakin nung last co-actor ko na parang ang bigat na hindi ako na-ipagtanggol,” katuwiran niya.
Catch Binibining Marikit from Mondays to Saturdays at 2:30 p.m. on GMA Afternoon Prime.
- Latest