Cristine, hindi pa tapos ang laban sa post sa RIP Barbie

Bidang-bida pa rin si Cristine Reyes hanggang ngayon as in hindi pa tapos ang laban niya.
Ito ay dahil sa kanyang viral Facebook post tungkol kay Barbie Hsu at sa kanyang birthday. Bwelta niya: “Maligayang kaarawan sa akin. Yun na lang.. oks na? Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba? Marahil ako nga talaga ay nag-luluksa ngayong kaarawan ko. Good? Ang daming magagaling sa mundo,” pagtatanggol sa sarili ng actress.
Eh kasi naman, parang nagtitipid sa post.
- Latest