Vanness, may pahabol na tribute kay barbie

Talagang marami pang hindi nakaka-move on sa biglang pagkamatay ng Meteor Garden star na si Barbie Hsu.
Kahit ang mga kasama niya sa nasabing series ay patuloy sa pagbibigay ng kanilang tribute. Tulad ni Vanness Wu na nag-post ng “Big Smile, Big Heart, Big Laugh, Big Love… Big S (Barbie’s stage name),” pauna niya.
Dagdag pa niya : “Thank you for all your kindness throughout the years, especially from when we first met… Miss you dearly Barbie. Rest in Love.”
Ginampanan ni Vanness ang papel ng Meizuo ng F4 sa Meteor Garden noong 2001.
Ang isa pang co-star sa Meteor Garden na si Jerry Yan, na gumanap bilang Dao Ming Si, ay nagsulat din ng kanyang tribute para kay Barbie pagkatapos ng kanyang pagpanaw. “Thankful for meeting you. In your carefree, childlike years, you always say, treat every day as your last. Have a great time. I hope you walk slowly this time. From now on, in another world, there will be no worries and the years will be peaceful.”
Nauna na ring nag-post ng tribute para kay Barbie ang iba pang miyembro ng F4 na sina Ken Chu at Rainie Yang.
Ang Meteor Garden ay isang Taiwanese adaptation ng Japanese comic series na Hana Yori Dango na massive ang naging popularity sa ating bayang magiliw kaya naman talagang nagluksa ang fans nila sa nangyari kay Barbie.
Malungkot ang pagkamatay ni Barbie sa edad na 48 dahil sa pneumonia.
Nagbabakasyon lang ang buong pamilya nila sa Japan upang ipagdiwang ang Lunar New Year pero abo na siya nang bumalik ng Taiwan.
Grabe, hindi mo talaga alam ang buhay.
Martin, may karma sa kabaitan
Birthday ni Martin Nievera nung Feb. 5 at sa totoo lang, isa si Martin sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Kaya hindi talaga kataka-taka na hanggang ngayon nasa top of his career pa siya dahil sa good vibes niya sa lahat ng tao.
Very professional si Martin, at talagang mula sa puso ang kabaitan kaya feel na feel mo ang sincerity.
Happy birthday, Martin Nievera, and more to come because this world need people like you.
Salute.
- Latest