Panganay na anak ni Diana, na-bully
Mag-ina ang karakter ni Diana Zubiri bilang si Maying at Miguel Tanfelix bilang si Kidlat sa Mga Batang Riles. Para kay Diana ay talagang isang magandang karanasan na nakatrabaho niya ang Kapuso actor. “Bilang tao napaka-sweet. Gusto ko ‘yung nagbibigay siya ng effort para makilala ako. Kasi siyempre po mag-ina kami do’n. No’ng una kami nagkita awkward ulit ilang years kami hindi nagkita. Then sa set ulit, talagang nakikita ko ‘yung effort niya to talk to me, to know about me po. Nagtatanong siya ng mga personal questions pero okay lang kasi kailangan magkaroon kami ng chemistry bilang magnanay,” pagbabahagi sa amin ni Diana sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napahanga rin si Diana sa pagiging magaling na aktor ni Miguel. May mga pagkakataong naghahawak-kamay ang aktres at ang binata bago kunan ang mga madamdaming eksena para sa serye. “As an actor naman natutuwa ako kasi ang galing din niyang artista. Nagbibigay siya sa akin ng support kasi ang tagal ko ding hindi umarte lalo na do’n sa eksena na namatay ‘yung tatay niya. Hindi man kami nag-uusap no’ng gabi na ‘yon, kasi nakita ko rin nagre-ready siya sa eksena, we’re just holding hands bago mag-eksena. Kasi kumukuha kami ng hugot sa isa’t isa. Malaking tulong po sa akin ‘yon kasi halos ‘yung anak ko binata na rin. Iniisip ko na siya ‘yon, kaya mas lalo akong nakapagbibigay ng magandang emotions,” paliwanag niya.
Binata na ngayon ang anak ni Diana na si King. Mayroong cleft palate nang ipanganak ng aktres ang panganay. Hindi raw kaagad natanggap ng ama ang kondisyon ni King nang makita ang sanggol. “Pinanganak ko po ‘yung panganay ko na my cleft lip and palate. Ibig sabihin po butas ‘yung lips niya pati po ‘yung ngala-ngala. Siyempre kapag nanganak ka physical ‘yung una mong makikita. Ako iyak lang ako nang iyak. We are all shocked especially ako in denial. Hindi namin ini-expect na gano’n. Siyempre bilang nanay tatanggapin mo. And siya hindi niya natanggap kaagad, naging mabigat ‘yung pagtanggap. Pero naging okay naman po after a while, Tito Boy. ‘Yon din po ‘yung main reason kung bakit kami naghiwalay. Nakita na lang niya ‘yung anak ko no’ng time na nakapag-forgive na ako. Nakita na niya ‘yung bata naoperahan na. Nakita niya bago siya nawala (namatay),” emosyonal na kwento ng aktres.
Nakaranas daw ng pambu-bully ang anak ni Diana sa eskwelahan dahil sa kondisyon nito. Humingi ng tawad ang aktres kay King dahil sa mga naranasan ng anak. “Hindi pa po tapos ang operation niya, meron pang isa. Sa school nagkakaroon siya ng consciousness kasi iba ‘yung itsura niya. May isa daw siyang classmate na parang binu-bully siya, ganyan. Siyempre ako, paano ko ie-explain ‘di ba? Na-ready ko na rin ‘yung sarili ko kung paano ko ie-explain sa kanya, pero matalino po kasi ‘yung anak ko. Parang sinabi na lang niya sa akin na, ‘You don’t need to explain.’ kasi tapos naman na daw. Tapos nag-sorry ako sa kanya dahil sa napagdaanan niya. Three months old pa lang siya operation, 6 months old operation, hanggang ngayon hindi pa rin tapos. Kaya happy ako na nasa Australia po, kasi ‘yon talaga ang lugar para sa operation niya,” naluluhang pahayag ni Diana.
(Reports from JCC)
- Latest