^

PSN Showbiz

Forever, ‘di na nagbenta ng GA

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Sold-out ba ang Pops Fernandez & Martin Nievera ALWAYS & FOREVER Concert sa MOA Arena kagabi? At totoo bang hindi na sila nagbenta ng General Admission tickets at all kaya tinakpan na lang ‘yung part na ‘yun ng Arena? Bakit kaya?

Paolo, pulos pelikula muna ang ginagawa

Natuloy na nga kahapon ang storycon at reading ng bagong pelikula na Happy Home with Angeline Quinto, Richard Yap, Eugene Domingo with Luis Alandy at Paolo Contis, directed by Marlon Rivera. Ang galing ‘no? Napapayag nila si Uge na sumuporta kay Angge?!

Tapos si Paolo, gawa na lang muna nang gawa ng pelikula habang wala pa siyang TV assignments.

Bakit nga ba hindi siya binibigyan ng projects ng Kapuso network aside from Bubble Gang? Ngayon, parang may tatlo pang unreleased film si Pao, ano na kaya ang mangyayari sa mga ‘yun?

Moira, naubusan ng kakampi

Nakakalungkot talaga ang nangyari kay Moira dela Torre dahil kahit ang dati niyang mga kasamahan sa Cornerstone ay indifferent sa kanya.

Totoo bang maraming nakarating sa kanila na pinagsasabi at their backs? Bakit kaya humantong doon?

At totoo bang sinusubukan niya to make amends at bumalik sa Cornerstone? Pero waley na, the harm has been done.

Frenchie, nagkaroon ng 3rd bell’s palsy

Na-share ang Star In A Million na si Frenchie Dy ng kanyang pinagdanan na third bout ng Bell’s palsy. Ang sabi niya, “Medyo naiiyak ako kasi pinanghinaan ako ng loob. Pero I know na maraming nagpi-pray for me.”

Napag-usapan lang sa isang umpukan ng mga kasamahan natin sa panulat ang mga ka-look-alike ni Frenchie – pre-Bell’s palsy naman ha –puwede raw silang magkakapatid nina Jessica Soho at Ma’am Lilybeth Rasonable.

Totoo ba? Magandang magkita-kita sila at malay mo, baka mag-viral pa ‘yan ‘di ba?

In the meantime, get well soon, Frenchie!

Nakakataquote:

Sabi ni Sir Felipe Gozon,

“TV War is finally over.”

Pero sa Kapamilya Online – na-post ang isang picture na may reminder na “NO MENTION OF INCOGNITO.”

Ang sagot lang diyan, “That’s life.”

MARTIN

POPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with