^

PSN Showbiz

MTRCB, pinalagpas ang pagmumura ni John

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MTRCB, pinalagpas ang pagmumura ni John
John Arcilla.
STAR/ File

Hindi naging isyu sa MTRCB ang biglang pagmumura ni John Arcilla sa guesting nito sa Fast Talk With Boy Abunda.

Pinaarte kasi sila ni Kuya Boy sa pagsagot sa mga tanong gamit ang iba’t-ibang emosyon. Nang pinaarte ng galit, hindi napigilan ni John na mapa-“punyeta!”

Kaagad namang nag-sorry si Kuya Boy at nabigla nga si John dahil nakalimutan daw niyang live pala ‘yun.

Nagtanung-tanong kami sa ilang taga-MTRCB, pinalagpas na raw ‘yun ng MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio. Naintindihan naman daw niya ‘yun, lalo na’t galing naman daw siya sa showbiz family.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, may ilang programa na rin pala na ipinatawag ng MTRCB dahil sa paglabag sa ilang mga maseselang eksenang ipinalabas.

Ayaw lang kumpirmahin ng ilang napagtanungan namin kung totoo bang na-X ang ilang eksena ng Ang Batang Quiapo at Incognito.

Sa Netflix kasi namin nasusubaybayan ang Incognito at may mga eksena naman talagang masyadong bayolente, na tiyak hindi ito puwedeng palusutin sa free TV. Kahit nga ang Black Rider noon ay napapatawag din dahil sa ilang dialogues na nagamit.

Meron pa raw isang afternoon drama na pinatawag din dahil sa may eksenang gumamit ng drugs.

Ganun nga ba sila kahigpit o talagang sinusunod lang nila ang ipinapatupad na rules and regulations ng PD 1986?

Kamakailan lang ay ipinost ng MTRCB sa kanilang Facebook account na nasa second reading na pala ang Senate Bill 2805 para lalong pagtibayin ang paglawak ng tungkulin ng naturang ahensya.

Aniya, “On February 3rd, Senate approved on second reading the Senate Bill No. 2805 or the proposal to strengthen the mandate, capabilities, and organizational structure of the Movie and Television Review and Classifications Board (MTRCB), sponsored by Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senator Robinhood Padilla.

“The Board extends its heartfelt appreciation to the Senate for approving on second reading the Senate Bill No. 2805.

“We especially thank Sen. Robinhood Padilla, the principal sponsor of the bill, for his unwavering commitment to promoting responsible viewing and media consumption and ensuring that Filipino audiences, especially children, are protected from unsafe and inappropriate content.”

Pinasalamatan din nila ang Senate President Chiz Escudero, pati sina Sens. Jinggoy Estrada at Grace Poe-Llamanzares.

Kapag ma-approve na ito sa final reading at maisabatas, mas magiging malawak ang kapangyarihan ng MTRCB at magiging sakop na nito ang streaming services, kagaya ng Netflix, Prime, Viu, VMX, at marami pa.

Beauty, nagsuot ng 100-year-old top

Nakakaaliw ang trip ni Beauty Gonzalez sa mga sinusuot niya, may vintage pieces.

Kagaya nitong pagdalo niya sa premiere night ng pelikula nilang Paquil na ginanap sa SM Megamall noong nakaraang Huwebes, suot ni Beauty ang black vintage pinafore.

“I got this from Glorious Dias. Nagko-collect siya, e. It’s already 100 years old,” napangiting bulalas ni Beauty.

Mapansin mo ngang may butas sa bandang harapan nito, napunit pa pala ito nang isuot niya. “Huwag n’yo nang tanungin kung napunit. Kasi pinilit ko ‘yung ulo ko kanina.

“Art-art na ‘yan! Art na lang… Nagmamadali ako, e. Pero that’s part of the charm,” natatawa niyang pahayag.

Ikinuwento ng Kapuso actress na may isang lola raw na nagbenta nito sa Glorious Dias with matching belo pa.

“Kasi gusto ko, ‘pag tumanda ako, magda-drive ako with my black scarf, with my belo. Papuntang church, ipagdarasal ko lahat ng mga kasalanan ko araw-araw. Tapos pag-uwi, nakabelo pa rin ako, hahaha!” natatawang pahayag ni Beauty.

Kung naalala n’yo pa, vintage rin ang accessories na isinuot niya sa GMA Gala two years ago.

Centuries-old gold neck piece and earrings made of excavated eye and mouth covers from distant places like Butuan and Surigao, ang suot nito at na-bash pa doon ang aktres.

Pero type ni Beauty ang ganitong drama niya na nag-swak naman sa theme ng premiere night ng Paquil na mag-showing na sa Feb. 12.

Kasama niya rito si JM de Guzman na dinirek ni Lem Lorca.

Ang isa pang dahilan kung bakit excited si Beauty sa pelikulang ito, dahil kasama rito ang anak niyang si Olivia ganundin ang asawa niyang si Norman Crisologo para sumuporta sa kanya, lalo na sa kanilang anak. “He’s very proud and he’s like this is his girl, so parang sobra siyang over the clouds,” sabi pa ng actress.

JOHN ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with